Janine Gutierrez, pinasalamatan ang ina: "It is my pride and joy to be anak ni Lotlot"

Janine Gutierrez, pinasalamatan ang ina: "It is my pride and joy to be anak ni Lotlot"

- Pinasalamatan ni Janine Gutierrez ang inang si Lotlot De Leon sa kanyang 'Questions I Never Asked My Mom vlog'

- Aniya, marami siyang natutunan sa kanyang ina lalo na sa parehong trabaho na meron sila ngayon

- Naniniwala siyang hindi niya mararating ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon kung hindi dahil sa paggabay ng kanyang ina

- Ayon kay Janine, pride and joy niya na maging isang anak ni Lotlot

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-thank you ant binigyang pugay ni Janine Gutierrez ang kanyang ina na si Lotlot de Leon.

Janine Gutierrez, pinasalamatan ang ina: "It is my pride and joy to be anak ni Lotlot"
Janine Gutierrez (@janinegutierrez)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na muling naging panauhin ni Janine ang kanyang ina sa bagong episode ng kanyang vlog na may pamagat na 'Questions I Never Asked My Mom'

Dito, nagawa niyang pasalamatan ang ina sa napakalaking tulong na nagawa nito sa career.

Read also

Sarah Geronimo, nagbigay-pugay sa mga dancers at choreographers sa kanyang 20th anniversary concert

"I love you so much mom... Thank you for helping me with mine (career) I wouldn't be like where I am now if you didn't like help me start with my work and make ayos all my pa-makeup ko dati 'nung nag-uumpisa pa lang ako. 'Yung mga damit na susuotin, hindi pa ako naniniwala na talaga ba maganda 'yung suot? 'Di ba pwedeng mag-maong lang and then si Mama hindi daw. Pagdating ko 'dun, oh my God tama si Mama. An then when things in work eventually I learned that yeah mama is always right. So, thanks mom."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kaya naman proud na sabihin ni Janine na " It is my pride and joy to be anak ni Lotlot."

Narito ang kabuuan ng kanilang kwentuhan mula sa Janine Gutierrez YouTube channel:

Read also

Michelle Dee sa mga nagsasabing 'di dapat siya ang nanalo: "Just choose to be kind, spread love"

Si Janine Gutierrez ay isang Filipina actress, model, at host.Siya ay anak ng aktres na si Lotlot de Leon at aktor na si Ramon Christopher Gutierrez. Nag-umpisa siya bilang isang Kapuso subalit ngayo'y bumibida na siya sa Kapamilya serye na Dirty Linen. Bumida rin siya sa ilang mga Netflix movies tulad ng 'Ngayon Kaya' kung saan kasama niya si Paulo Avelino.

Kamakailan, naging emosyonal ang guesting niya sa Magandang Buhay nang maikwento niya ang dahilan bakit niya noon gustong mag-artista at ito ay dahil sa kanyang yaya na na-diagnose na may cancer. Sa panayam naman kay yaya Pat na naroon din sa programa, naisiwalat nito na inalala rin niya si Janine nang malaman niya ang kanyang karamdaman.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel