Kakai Bautista kay Rendon Labador: "Kapatid, patingin kana"

Kakai Bautista kay Rendon Labador: "Kapatid, patingin kana"

- Kabilang si Kakai Bautista sa nagkomento sa video ni Rendon Labador kung saan naghamon siyang ipahuli siya

- Komento ni Kakai, magpatingin na raw si Rendon at umani ito ng mga komento at reaksiyon mula sa netizens

- Matatandaang umani ng mga reaksiyon mula sa netizens ang video na ito ni Rendon kaugnay sa komento mula sa Bitag Live Facebook page

- Sinabi sa naturang komento na tinuruan umano sila Ben Tulfo at kanyang mga kapatid ng kanilang ina na huwag pumatol sa babae

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si Kakai Bautista ay nagkomento sa video ni Rendon Labador kung saan naghamon ito na ipa-Bitag siya. Ani Kakai, dapat ay magpatingin na si Rendon. Ginamit pa nito ang hashtag na #PrayForRendon.

Kakai Bautista kay Rendon Labador: "Kapatid, patingin kana"
Kakai Bautista kay Rendon Labador: "Kapatid, patingin kana" Rendon Labador)
Source: Facebook
Kapatid, PATINGIN KANA.
#PrayersForRendon
Kakai Bautista kay Rendon Labador: "Kapatid, patingin kana"
Kakai Bautista kay Rendon Labador: "Kapatid, patingin kana"
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Rendon Labador, sinita ang 'Ka-Wonder' Family vlog sa content nito

Matatandaang umani ng mga reaksiyon mula sa netizens ang video na ito ni Rendon kaugnay sa komento mula sa Bitag Live Facebook page na nagsasabing hindi daw sila pumapatol sa babae dahil ito ang bilin ng kanilang ina.

Pinost ito ni Rendon kalakip ng kanyang mensahe na hindi daw siya nagbibiro.

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Ani Rendon Labador, hindi siya nagbibiro kaugnay sa kanyang mga binitawang mga salita kaugnay sa komento ni Ben Tulfo. Binahagi niya ang screenshot ng komento mula sa Biyag Live na nagsasabing bilin daw ng kanilang ina sa kanilang magkakapatid na huwag pumatol sa babae. Kasunod ng kanyang post ay nagbahagi din ng video si Rendon kung saan sinabi niyang wala siyang pakialam kahit magkampihan pa daw lahat . Hamon pa niya ay ipahuli na lang daw siya nang magkaalaman na.

Read also

Rendon Labrador, umalma sa balitang pagmumultahin ang riders na sumilong sa flyover

Matatandaang naghamon kamakailan si Rendon sa mga artista na humarap sa kanya para daw mag real talkan. Kaugnay ito sa unang pahayag niya kaugnay sa aniya'y pagiging laos na ng mga artista o mainstream media artists dahil ang mga social media influencers na ang bagong celebrity. Hinamon niya ang aniya'y laos na na artistang gustong sumikat. Kamakailan ay naging usap-usapan ang pahayag niya laban kay Michale V kaugnay sa usaping ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel