Pia Wurtzbach, pinakita ang aniya'y kalagayan ng TV nila matapos mapanood si Michelle Dee

Pia Wurtzbach, pinakita ang aniya'y kalagayan ng TV nila matapos mapanood si Michelle Dee

- Binahagi ni Pia Wurtzbach ang picture ng isang TV na tila ay basag ang screen

- Ito raw ang kalagayan ng kanilang TV matapos nilang manood ng Miss Universe 2023 kung saan kasali si Micheel Dee

- Inihayag niya ang kanyang pagkakadismaya sa hindi pagkakapasok ni Michelle sa Top 5

- Aniya, umaasa silang mapanuod sana ang pambato ng Pilipinas sa Question and Answer portion

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Pia Wurtzbach sa kanyang Instagram stories ang picture ng isang TV na tila ay basag. Aniya, ito raw ang kalagayan ng kanilang TV matapos nilang manood ng Miss Universe 2023 kung saan kasali si Michelle Dee.

Pia Wurtzbach, pinakita ang aniya'y kalagayan ng TV nila matapos mapanuod si Michelle Dee
Pia Wurtzbach, pinakita ang aniya'y kalagayan ng TV nila matapos mapanuod si Michelle Dee (@piawurtzbach)
Source: Instagram

Inihayag ni Pia ang kanyang pagkakadismaya na hindi nakapasok sa Top 5 ang pambato ng Pilipinas dahil aniya ay gusto daw nilang mapanuod ito sa Question and Answer portion.

Read also

Pia Wurtzbach, napapaisip kung paano kung nakapasok sa Top 5 si Michelle Dee

Our TV situation after watching @michelledee compete. We were hoping to hear her at Q&A.

Sa naturang pageant kung saan naganap ang kontrobersiyal na pagkapanalo ni Pia, ang mapipiling limang kalahok lamang ang nabibigyan ng pagkakataon na ipamalas ang kanilang husay sa pagsasalita at pagsagot sa mga tanong.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

Symbolic lang sa frustration nya kanina siguro. Looks like a youtube video of a broken screen.
Kung kasing yaman lang ako ni Pia Wurtzbach ganun din sana yung TV namin
Yung tv sa story ni pia wurtzbach di ko kinakaya
Pia Wurtzbach, pinakita ang aniya'y kalagayan ng TV nila matapos mapanuod si Michelle Dee
Pia Wurtzbach, pinakita ang aniya'y kalagayan ng TV nila matapos mapanuod si Michelle Dee
Source: Instagram

Si Pia Alonzo Wurtzbach ay isang Filipina-German model, actress, at beauty queen na kinoronahang Miss Universe 2015 noong December 20, 2015. Bago siya sumali sa mga beauty pageant ay nakilala siya bilang isang aktres.

Read also

Michelle Dee: "For Q and A, sayang hindi ako nakahawak ng mic"

Matatandaang bumuhos ang pagbati para kina Pia at Jeremy Jauncey matapos nilang isapubliko ang kanilang engagement. Ibinahagi ng beauty queen ang ilang pictures nila sa kanilang bakasyon sa Amanpulo. Hindi naman malinaw kung kailan naganap ang engagement ngunit base sa caption ni Pia, sa Amanpulo sila nag-celebrate. Matatandaang noong nakaraang buwan pa lumabas ang bali-balitang engaged na ang dalawa.

Ikinasal na sina Pia at Jeremy at binahagi ito ni Pia sa pamamagitan ng isang Instagram post. Base sa kanyang post, March 24, 2023 sila ikinasal sa North Island of Seychelles. Proud na binandera ni Pia na sila ay opisyal nang sina Mr & Mrs Jauncey."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel