Melai Cantiveros, emosyonal na makita ang anak na hindi nakakalimot magdasal bago matulog
- Binahagi ni Melai Cantiveros ang video ng anak niyang si Mela na nagdadasal bago matulog
- Aniya, naiiyak siyang makita ang anak na hindi nakakalimot magdasal
- Dagdag pa niya, best feeling bilang isang ina na makita niyang ganito ang kanyang anak at wala siyang mahihiling pa
- Marami ang natuwa at napabilib sa post na ito ni Melai dahil lumalabas daw talaga sa anak kung anong klase ang ginawang pagpapalaki ng mga magulang
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ani Melai Cantiveros, naiiyak siyang makita ang anak na si Mela na nagdadasal bago matulog gayong siya ay nakahiga na. Aniya, best feeling bilang isang ina na makita niyang ganito ang kanyang anak at wala siyang mahihiling pa.
Makikita sa video si Mela na nagdadasal. Dagdag pa ni Melai, minsan talaga ay ang mga anak pa ang magtuturo pabalik ng mga bagay na naituro sa kanila ng kanilang mga magulang.
Love u ate naiiyak ako habang tinitingnan si Mela kasi mabuti pa cya di nakalimut , ako nakahiga na minsan mga anak natin sila magtuturo sa atin pabalik ng tinuro natin sa knila
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.
Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.
Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh