Melai Cantiveros, napabilib sa kanyang mga anak na nagtutulungang mag-aral

Melai Cantiveros, napabilib sa kanyang mga anak na nagtutulungang mag-aral

- Sa post ni Melai Cantiveros, pinakita niya ang video ng mga anak na nag-aaral

- Tinatanong ng nakababatang kapatid na si Stela ang kanyang ate Mela

- Aniya, napabilib siya na makitang nagtutulungan ang magkapatid sa kanilang pag-aaral

- Sina Mela at Stela ang mga anak ng mag-asawang Melai at mister niyang si Jason Francisco

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Melai Cantiveros ang kanyang dalawang anak na sina Mela at Stela na nag-aaral. Aniya, napabilib siya na makitang nagtutulungan ang magkapatid.

Melai Cantiveros, napabilib sa kanyang mga anak na nagtutulungang mag-aral
Melai Cantiveros, napabilib sa kanyang mga anak na nagtutulungang mag-aral (@facebook.com/OfficialMelason)
Source: Facebook

Sa naturang video ay makikitang hawak ni Stela ang multiplication table habang nakadapa naman ang ate niya na siyang sumasagot sa tanong ni Stela.

The Sisters that Study together Pass The Exam and Happy Forever another milestone nanaman sa dalawang tu, nagtutulungan sa isat isa. Ang Sarap nyu nmn tingnan mga mahal ko ❤️❤️❤️ You Two never fails na mapabilib ako Araw araw sa mga char char nyu araw araw Love u Two my Mela and Stela

Read also

Melai Cantiveros, emosyonal na makita ang anak na hindi nakakalimot magdasal bago matulog

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinaaliwan ang mag-iina dahil sa kanilang mahusay na pagpapatawa at nakakaaliw na mga videos. Bukod dito ay natutuwa din ang marami sa maayos na pagpapalaki ng mag-asawang Melai at Jason sa kanilang dalawang anak.

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Read also

Antoinette Taus sa 'di mamatay-matay na tsismis: "Grabe, pumunta lang naman ako sa States"

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate