Nico Bolzico, ibinida ang 'Do You Want to Build a Snowman' video nila ni Tili

Nico Bolzico, ibinida ang 'Do You Want to Build a Snowman' video nila ni Tili

- Kinaaliwan ang binahaging video ni Nico Bolzico kung saan ginaya nila ni Tili ang isang eksena sa Frozen

- Si Tili ang kumatok sa labas ng pinto habang si Nico naman ang nasa loob bilang si Elsa

- Naibahagi ni Solenn sa kanyang Instagram post ang pagpunta nilang mag-anak sa World of Frozen sa Hong Kong Disneyland

- Umani ng mga nakakaaliw na komento ang post na ito ni Nico hindi lang mula sa netizens kundi maging mula sa mga kaibigan nila sa showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan si Nico Bolzico at anak niyang si TIli sa binahaging video ni Nico kung saan ginaya nila ang isang eksena sa animated movie na Frozen. Kinanta ng mag-ama ang 'Do You Want to Build a Snowman.'

Nico Bolzico, ibinida ang 'Do You Want to Build a Snowman' video nila ni Tili
Nico Bolzico, ibinida ang 'Do You Want to Build a Snowman' video nila ni Tili (@solenn)
Source: Instagram

Base sa binahagi ni Solenn Heussaff pumunta sila sa Hong Kong Disneyland nang mapag-alaman nilang magbubukas ang World of Frozen dahil paborito ito ni Tili.

Read also

Pia Wurtzbach, napapaisip kung paano kung nakapasok sa Top 5 si Michelle Dee

Umani ng mga nakakaaliw na komento ang post na ito ni Nico hindi lang mula sa netizens kundi maging mula sa mga kaibigan nila sa showbiz. Narito ang ilang komento:

Behind every great daughter is truly an amazing dad. You’re so cute and so loved by your padre Tili that he would do anything and everything for you to be happy

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Tili will grow up to be a great singer, artist like mom.Solenn
Tili will see this video when she's mature enough and will appreciate you as her father even more.

Si Solenn Marie Adea Heussaff-Bolzico ay isang Pinay actress, model, artist at singer. Isa siya sa naging official castaways ng programang Survivor Philippines: Celebrity Showdown kung saan isa siya sa hinirang na Final Three.

Pinasilip ni Solenn Heussaff ang pinagawa nilang bahay ni Nico Bolzico na sinimulan noong taong 2021. Sa kanyang binahaging bagong YouTube video ay pinakita niya ang mga construction development sa kanilang tinawag na #CasaBolzico. Naibahagi nilang nagkaroon lang ng mga aberya dahil nga sa pandemya na nagdaan. Sa susunod na video na ibabahagi niya ay ipapakita niya ang ilang update sa kanilang pinagawang bahay.:

Read also

Melanie Marquez, napatayo nang tawagin ang pangalan ni Michelle Dee sa Top 20

Naibahagi ni Solenn Heussaff na mayroon raw strong personality ang panganay na anak nila ni Nico Bolzico na si Thylane. Sa vlog ni Dra. Vicki Belo kung saan magkasama ang magkaibigang Solenn at Raymond Gutierrez, nakwento niya ang pagkagulat niya sa inasal ng kanyang anak. Aniya, may pagkakataong habang naglalakad sila sa park at magkasabay ang mag-ama habang siya ay nakasunod at may gustong magpa-picture sa kanya. Agad daw lumingon si Tili at nagsabing hindi "no photos! Mama! Mama!"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel