Gardo Versoza, nalungkot nang maisip na maiiwan ang mag-ina niya

Gardo Versoza, nalungkot nang maisip na maiiwan ang mag-ina niya

- Ayon kay Gardo Versoza, matapos ang kanyang karanasan ay naramdaman niyang wala na siyang kaba sakaling pumanaw na siya

- Sinabi niyang nalungkot siyang maisip na maiiwan niya ang pinakamamahal niyang mag-ina

- Gayunpaman, parang nasabik din siyang makasama ang kanyang ina dahil aniya ay mama's boy siya

- Matatandaang inatake sa puso si Gardo nitong nakaraang Semana Santa at nakatakdang sumailalim pa sa isa pang operasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Gardo Versoza na hati ang kanyang naramdaman noong inatake siya sa puso. Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, naiisip umano niya ang kanyang mag-ina na maari niyang iwan sakaling pumanaw siya.

Gardo Versoza, binahagi ang naging karanasan nang atakihin sa puso
Gardo Versoza, binahagi ang naging karanasan nang atakihin sa puso (@gardo_versoza)
Source: Instagram

Naisip din daw niya kung makikita na daw ba niya ang kanyang ina. Aniya, mama's boy siya kaya na-miss niya ang kanyang ina.

Read also

Gardo Versoza, inakala umanong nasa langit na siya nang magising matapos ang operasyon

Natapos na ang una niyang angioplasty at mayroon pang gagawin sa kanyang isa pa ngayong Mayo.

Ayon pa kay Gardo, naging maalaga naman siya sa kanyang katawan ngunit marahil ay nasa kanilang genes ang dahilan ng pangyayari sa kanya. Nabanggit din niyang isa sa mabigat na ehersisyong kanyang nagawa bago siya atakihin at ang pagmo-motor nang malayuan habang mainit ang panahon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Mennen Torres Polintan o mas kilala sa kanyang screen name na Gardo Versoza ay isang kilalang sikat na aktor na naging bahagi ng mga pelikula at mga TV shows. Siya ay nakilala sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa kanyang mga naging pelikula ay Sabik Sa Halik, Machete II, Halimuyak Ng Babae at Kirot.

Matatandaang naisugod sa ospital si Gardo dahil sa atake sa puso at nalampasan naman niya ang naturang pagsubok. Naibahagi ng kanyang asawa ang picture na kuha sa ospital matapos niyang makarekober sa atake at nagpapagaling. Nagpasalamat si Gardo sa kanyang asawa, sa Panginoon at sa mga doktor na tumulong sa kanya.

Matapos nga niyang ma-ospital at maadmit sa ICU dahil sa atake sa puso, naibahagi ng kanyang maybahay na si Ivy Vicencio na nakalabas na sa ospital si Gardo. Gayunpaman, may gagawin pang angioplasty sa kanyang mister sa susunod na dalawang buwan. Sa post ni Ivy, makikita ang pagdalaw ni Gardo sa isang simbahan para magsimba. Nakasakay pa rin ito sa kanyang wheelchair.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate