Ogie Diaz, may mensahe kay Mommy Raquel: "Just move on"

Ogie Diaz, may mensahe kay Mommy Raquel: "Just move on"

- Nagbigay mensahe si Ogie Diaz sa ina ni Jake Zyrus na si Raquel Pempengco

- Ito ay matapos na maglabas ng pahayag si Jake kaugnay sa umano'y pagkukumpara kay Charice Pempengco sa isang mahusay na singer

- Pinaniniwalaang ito ay ang pagkukumapara ni Mommy Raquel kay Charice at kay Morisette Amon

- Ani Ogie, masaya na umano si Jake sa kung ano ito ngayon at dapat na tanggapin na ito ni Mommy Raquel

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs sa bagong episode nila ng Ogie Diaz Showbiz Update ay ang tungkol sa umano'y tugon ni Jake Zyrus sa pagkukumpara kina Charice Pempengco at Morisette Amon.

Ogie Diaz, may mensahe kay Mommy Raquel: "Just move on"
Raquel Pempengco (@supermommyraqz)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na wala mang pangalang binanggit si Jake sa naturang komento, naniniwala sina Ogie Diaz na ang pinatutungkulan umano nito ay ang ina ni Jake na si Raquel Pempengco.

Read also

Mommy Raquel, pinabulaanang bumabalik umano si Jake Zyrus kina Oprah at David Foster

"And to actually compare the old me to some of the greatest singers out there, hindi lang disrespectful sa akin 'yon! Disrespectful din sa kanya. You're literally comparing these singers to the person that do not even exist anymore. Do you guys even think about that?" ang umano'y pahayag ni Jake na binasa ni Mama Loi sa Showbiz Update.

"Akala ni Mommy Raquel na 'Mommy thank you ha,' magpapasalamat pa si Jake. Ayan tingnan mo.'Yan nga yung sinasabi ko. Nagkukumpara si Mommy. Sana ibang tao ang nagkukumpara hindi siya," ani Ogie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Mommy, Kasi naman 'di ba as we age, dapat kayo rin mismo nagma-mature. 'Di ba? Saka, Can you just move on?"

"Ano ba, nagbago na ng anyo 'yung anak mo. 'Di ba, happy na siya sa kanyang bagong ano piniling mundo at pagkatao. So tanggapin mo na 'yun na nag-iiba na ng timbre ng boses kasi nga 'yung Charice, Jake na. E sinabi nga ni Jake 'di ba? Patay na 'yung Charice," pagpapatuloy pa niya.

Read also

Mommy Raquel, nami-miss na si Jake Zyrus: "Nagri-reach out naman ako sa kanya"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Jake Zyrus ay unang nakilala bilang si Charice Pempengco. Siya ay unang nakilala nang sumali siya sa Little Big Star kung saan hindi man siya nanalo, naging daan ito upang makilala siya sa iba pang panig ng mundo.

Naging sikat siya at nakapag concert sa iba't-ibang panig ng mundo nang makasama siya ni David Foster na tumulong sa kanya. Kinalaunan, napagpasyahang palitan ni Charice ang kanyang pangalan kaya siya ay kilala na bilang si Jake Zyrus ngayon.

Kamakailan, nag-viral ang naging performance ni Morisette Amon sa concert ni David Foster sa bansa. Dito umano nagmula ang pagkukumpara kina Charice Pempengco at Morisette na ang kinanta ay pawang mga inawit ni Jake noong nakakasama pa siya ni David sa mga pagtatanghal nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel