Marco Gumabao, binuking na selosa raw si Cristine Reyes

Marco Gumabao, binuking na selosa raw si Cristine Reyes

- Sina Marco Gumabao at Cristine Reyes ang guests ni Bea Alonzo sa kanyang Lie Detector test sa kanyang YouTube channel

- Ito daw ang kauna-unahang guesting nila bilang couple simula nang isapubliko nila ang kanilang relasyon

- Ani Marco, selosa daw si Cristine at truth naman ang lumabas na resulta sa kanyang sagot

- Inamin din ni Cristine na totoong selosa siya pero aniya ay nasa lugar naman ang kanyang pagseselos

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binuking ni Marco Gumabao na selosa raw si Cristine Reyes. Inamin din ni Cristine na totoong selosa siya pero aniya ay nasa lugar naman ang kanyang pagseselos. Naging guest sila ni Bea Alonzo sa kanyang Lie Detector test sa kanyang YouTube channel.

Marco Gumabao, binuking na selosa raw si Cristine Reyes
Marco Gumabao, binuking na selosa raw si Cristine Reyes (@cristinereyes)
Source: Instagram

Ani Cristine, nanginginig daw ang katawan niya kapag nagseselos siya at kailangan pag-usapan nila kaagad. Sinusuyo naman daw agad ni Marco kapag nagseselos ito.

Read also

Pauleen Luna, ibinida ang pagsali ni Tali sa kanyang 1st gymnastics competition

Ito daw ang kauna-unahang guesting nila bilang couple simula nang isapubliko nila ang kanilang relasyon.

Malapit din daw si Marco sa anak ni Cristine na si Amarah. Palagi daw binibisita ni Marco yung mag-ina at natutuwa daw si Cristine na makitang malapit sina Marco at Amarah.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Ara Cristine Pascual Klenk o mas kilala sa kanyang screen name na Cristine reyes ay isang Filipina actress, model, dancer at endorser. Una siyang nakilala sa showbiz nang sumali siya sa talent search ng GMA na Starstruck. May anak siya sa kanyang dating partner na si Ali Khatibi.

Matatandaang ibinahagi ni Ali Khatibi ang mga litrato nila ng kanyang anak na si Amarah sa kanilang bakasyon sa Siargao. Nauna nang sinabi ni Ali na na-mi-miss niya na ang anak nila ng dating asawang si Cristine. Inamin naman ng aktres na nakapag-move on na siya sa paghihiwalay nila ng kanyang dating mister. Matatandaang ikinasal sina Cristine Reyes at Ali Khatibi sa isang beach wedding sa Balesin noong January 27, 2016.

Read also

Xander Arizala, gusto raw kasuhan si Christian Merck Grey sa ginawa sa kanya

Ibinahagi naman ni Cristine sa kanyang Instagram post ang kanyang naging therapy para sa kanyang paa. Hindi na idinetalye ng aktres ang dahilan ngunit aniya ay nakaranas siya ng freak accident. Ibinahagi niya ito ilang araw bago ang kanyang ika-33 na kaarawan noong February 5. Bumuhos ang pagbati at get well wishes para sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kasamahan niya sa industriya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel