Ellen Adarna, binahagi ang nakakaaliw na video niya kasama sina Derek at Elias
- Nag-post si Ellen Adarna ng isang nakakaaliw na video kasama sina Derek Ramsay at ang anak niyang si Elias Modesto
- Makikita sa video na yakap si Ellen ni Elias habang sinusubukang lumapit ni Derek ngunit agad na tinatakpan ni Elias ang pisngi ng kanyang mommy
- Pinag-aagawan nila si Ellen habang paulit-ulit na sinasabi ni Elias na sa kanya daw ang kanyang mama
- Tawa naman nang tawa si Ellen sa biruang ito nina Derek at Elias na kasalukuyang kasama niya sa bakasyon sa New Zealand
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Kinaaliwan sina Derek Ramsay at Elias Modesto habang nag-aagawan kay Ellen Adarna. Sa video na binahagi ni Ellen ay makikita si Elias na nakayap sa kanyang mama habang pinapalayo si Derek.

Source: Instagram
Paulit-ulit nitong sinasabi na si Ellen ay kanyang mama habang tinatakpan ang pisngi ni Ellen para hindi maka-kiss ang kanyang papa Derek.
Tinutulak niya pa ito sabay yakap sa kanyang mama ngunit natatawa lang din silang tatlo habang nag-aagawan sina Derek at Elias.
Narito ang komento ng ilang netizens na aliw na aliw sa kanila.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Super cute naman nitong tabachingching oi.. sarap ulit ulitin panood khit hundred times
Habang pinapanood ko tuwang tuwa aq hahaha super bagay po kayo
Ang saya bonding nla Papa D, Mama Ellen, sooo cute ni Elias
Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa Timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Read also
David Licauco, sa pagtanggap ng role bilang Fidel sa MCI: "Honestly kasi wala na akong pera"
Sa kanyang IG stories kamakailan ay sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.
Samantala, kamakailan ay binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh