Andrea Brillantes sa 'babae na nagyaya' comment: "Ako po yung artist ng Star Magic"
- Sinagot ni Andrea Brillantes ang komentong kababae niyang tao eh siya ang nagyaya sa boyfriend niyang si Ricci Rivero
- Kaugnay ito sa kontrobersiyal niyang 'promposal' na naganap sa Blackpink concert
- Paliwanag ni Andrea, siya talaga dapat magyaya dahil siya ang Star Magic artist at hindi naman ang kanyang boyfriend
- Aniya, napapanahon na rin para matigil ang pamamahiya sa mga babaeng gumagawa ng first move
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sinagot ni Andrea Brillantes ang isang netizen na pinuna ang ginawa niyang promposal kay Ricci Rivero dahil babae umano siya. Paliwanag ni Andrea, siya talaga dapat magyaya dahil siya ang Star Magic artist at hindi naman ang kanyang boyfriend.

Source: Instagram
It’s for #StarMagicalProm so yes, ako po talaga dapat dahil ako po yung artist ng Star Magic"
Aniya, napapanahon na rin para matigil ang pamamahiya sa mga babaeng gumagawa ng first move.
“Also, it’s high time we stop shaming girls for making the first move even on other instances"
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nitong nagdaang concert ng Balckpink ay maswerteng napansin nina Lisa at Rose ang kanyang hawak na banner para itanong kay Ricci kung papayag itong maging date niya sa gaganaping Star Magic Prom ngayong March 30.

Source: Facebook
Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.
Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.
Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh