Rendon Labador, kinailangan daw mag-public apology dahil madamdamin ang mga Pinoy

Rendon Labador, kinailangan daw mag-public apology dahil madamdamin ang mga Pinoy

- Ani Rendon labador, kinailangan niyang mag-public apology dahil sa pagiging madamdamin ng mga Pilipino

- Sa kanyang Facebook story, inihayag niya ang saloobin kaugnay sa kanyang paghingi ng dispensa kamakailan

- Aniya, kasalanan ang magsabi ng katotohanan dito sa Pilipinas

- Dagdag niya pa, napakahina umano ng kasalukuyang henerasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Rendon Labador, kasalanan ang magsabi ng katotohanan dito sa Pilipinas. Aniya, kinailangan niyang mag-public apology dahil sa pagiging madamdamin ng mga Pilipino.

Rendon Labador, kinailangan daw mag-public apology dahil madamdamin ang mga Pinoy
Rendon Labador, kinailangan daw mag-public apology dahil madamdamin ang mga Pinoy (Rendon Labador)
Source: Facebook

Ang tinutukoy ni Rendon ay ang kanyang paglabas ng public apology kamakailan kasunod ng mga kontrobersiyal niyang pahayag laban sa ilang personalidad kagaya nina Coco Martin at Michael V. Ang public apology na kanyang nilabas ay kasunod ng naging pag-uusap nila ni Ben Tulfo.

Dagdag niya pa, napakahina umano ng kasalukuyang henerasyon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinailangan ko pa talaga mag issue ng official public apology statement dahil sa pagka-madamdamin ng mga Pilipino. Napaka hina ng henerasyon ngayon. Tapangan niyo naman kahit konti.
Rendon Labador, kinailangan daw mag-public apology dahil madamdamin ang mga Pinoy
Rendon Labador, kinailangan daw mag-public apology dahil madamdamin ang mga Pinoy (Rendon Labador)
Source: Facebook

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Matatandaang nagbahagi ng mensahe si Giselle Sanchez para sa social media influencer na si Rendon. Inudyukan niya ito na umamin na lamang sa pagkakamaling nagawa kaugnay sa kanyang nasabi laban kina Coco Martin at Michael V. Dagdag pa ni Giselle, kaya siya pina-follow ng kanyang followers dahil namo-motivate niya ang mga ito kaya sana ipakita daw nito sa kanila na meron siyang busilak na puso.

Ayon kay Ben Tulfo, silang magkakapatid ay likas na mapagpatawad lalo na kung nararamdaman nila ang sinseredad ng tao sa paghingi ng dispensa. Ani Ben, maayos na pumunta si Rendon sa kanilang tanggapan at nagpakumbaba. Dagdag pa niya, kaya niyang makipagsabayan sa bardagulan at panduduro ngunit marapat lang daw na patawarin ang humingi ng paumanhin. Nilinaw din nila sa Bitag live na hindi nila estilo ang makipag-collab kagaya sa mga espikulasyon matapos i-post ni Rendon ang kanilang picture.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel