Yassi Pressman, nagulat din daw nang malaman ang relasyon nina James at Issa

Yassi Pressman, nagulat din daw nang malaman ang relasyon nina James at Issa

- Ayon kay Yassi Pressman, kagaya sa karamihan ay nagulat din siya nang malaman ang tungkol sa relasyon ng kapatid niya at ni James Reid

- Nang sabihin umano sa kanya ay hinayaan na lang niya silang magdesisyon para sa kanilang sarili dahil nasa tamang edad naman na daw sila

- Para umano sa kanya ay wala namang problema kung wala naman silang taong tinatapakan

- Ito ang naging pahayag ni Yassi sa ginanap na press conference ng kanyang bagong serye na “Kurdapya"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabigla din daw si Yassi Pressman nang una niyang malaman ang tungkol sa relasyon ng kapatid niyang si Issa Pressman at ni James Reid. Sa ginanap na press conference ng kanyang bagong serye na “Kurdapya" na binahagi sa Vinia Vivar YouTube channel, sinabi niyang nasa tamang edad naman na sila para mag desisyon para sa mga sarili nila kaya hinayaan niya na.

Yassi Pressman, sinabing nagkausap sila ni Nadine Lustre
Yassi Pressman, sinabing nagkausap sila ni Nadine Lustre (@yassipressman)
Source: Instagram

Para umano sa kanya ay wala namang problema kung wala naman silang taong tinatapakan.

“Nagulat din po ako. Sabay-sabay po tayo. Pero nung sinabi po sa 'kin 'yun recently, hinayaan ko na lang po nag mag-decision 'yung mga tao. They’re old enough to make their own decision naman po. Lahat po ng tao may choice. At kung walang ibang tao naming tinatapakan, feeling ko wala naman pong problema,”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Yassi Pressman o Yasmin Isabel Yasto Pressman sa totoong buhay ay isang Filipino-British model, actress, television personality, singer, at dancer. Matatandaang naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano kung saan gumanap siyang Alyana Arevalo, ang asawa ni Cardo Dalisay na ginagampanan ni Coco Martin.

Nagbahagi si Yassi Pressman ng makahulugang mensahe sa kanyang Instagram stories sa gitna ng kinasasangkutang kontrobersiya ng kanyang kapatid. Hindi nito diretsahang sinabi na patungkol sa isyu ng kanyang kapatid ang sinabi niyang dapat abangang "2 sides of a story". Sa pag-viral ng picture ng kapatid niyang si Issa Pressman kasama si James Reid, naungkat ang ginawang pagtatanggol ni Yassi noon sa kapatid. Ito ay sa kasagsagan ng pagkakadawit noon kay Issa sa hiwalayang James at Nadine Lustre.

Nagsalita naman si James kaugnay sa isyung kinasasangkutan nila ni Issa kasunod ng pag-post nila ng pictures nilang magkasama. Ani James, walang katotohanan ang mga haka-haka tungkol kay Issa at mga rumors lamag daw ang lahat ng iyon. Hindi niya raw ugali na sagutin ang mga bashers o makisali sa hate culture ngunit aniya ay kailangan niya nang magsalita. Aniya pa, hindi niya hahayaang mawala sa kanya ang simula ng "something beautiful" sinabi niya din na ngayon siya naging pinakamasaya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel