Picture nina James Reid at Issa Pressman noong 2014, binalikan ng netizens

Picture nina James Reid at Issa Pressman noong 2014, binalikan ng netizens

- Viral ang picture nina James Reid at Issa Pressman sa twitter na binahagi ni Issa noong taong 2014 pa

- Muling dinagsa ng komento ang naturang lumang video kahit pa matagal na itong binahagi ni Issa

- Kasunod ito ng ginawang pagtatanggol ni James sa kanya matapos silang mabatikos dahil sa binahagi nilang picture na magkasama

- Matatandaang noong 2014 nagkaroon ng unang pelikula sina James at Nadine Lustre, ang pelikulang "Diary ng Panget"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Issa Pressman sa Twitter noong taong 2014 ang picture nila ni James Reid. Matatandaang noong 2014 nagkaroon ng unang pelikula sina James at Nadine Lustre, ang pelikulang "Diary ng Panget".

Picture nina James Reid at Issa Pressman noong 2014, binalikan ng netizens
Picture nina James Reid at Issa Pressman noong 2014, binalikan ng netizens (@james)
Source: Instagram

Sa pagkakasangkot ng dalawa sa kontrobersiya dahil sa post at pahayag nila nitong mga nakaraang araw, hindi nakaligtas mula sa mga netizens ang post na ito ni Issa. marami ang napakomento sa naturang post.

Makikita sa naturang post ang caption ni Issa na heart eyes emoticon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si James Reid ay isang Filipino - Australian actor. Una siyang nakilala bilang isa sa mga housemates ng Pinoy Big Brother: Teen Clash kung saan siya ang tinanghal na big winner noong 2010. Nakilala ang tambalan nila ng kanyang dating nobya na si Nadine Lustre bilang "JaDine." Matatandaang Enero ng taong 2020 nang aminin nina James at Nadine na hiwalay na sila. Gayunpaman, nanatili umano silang magkaibigan kaya ilang beses din silang namataang magkasama kahit hiwalay na sila.

Magkasama sina James at Issa na nanood ng concert ni Harry Styles kamakailan. Sa unang pagkakataon ay nagbahagi si Issa ng picture nilang magkasama na tila magkahawak-kamay. Si James din ay nagbahagi ng pictures at video kung saan makikitang kasama niya nga si Issa. Kahit walang pag-amin ay umani ng mga komento ang post nilang dalawa lalo at kinailangang ipagtanggol noon ni Yassi Pressman ang kapatid nang maiugnay kay James.

Nagbahagi naman si Yassi Pressman ng makahulugang mensahe sa kanyang Instagram stories sa gitna ng kinasasangkutang kontrobersiya ng kanyang kapatid. Hindi nito diretsahang sinabi na patungkol sa isyu ng kanyang kapatid ang sinabi niyang dapat abangang "2 sides of a story". Sa pag-viral ng picture ng kapatid niyang si Issa kasama si James Reid, naungkat ang ginawang pagtatanggol ni Yassi noon sa kapatid. Ito ay sa kasagsagan ng pagkakadawit noon kay Issa sa hiwalayang James at Nadine Lustre.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel