Lumang video ni Nadine Lustre tungkol sa karanasan niya sa pagtitiwala, usap-usapan
- Sa lumang video ni Nadine Lustre kung saan kausap niya ang magkakaibigang sina Carmina Villaroel, Candy Pangilinan at Gelli de Bellen, nagtanong siya sa mga ito
- Naitanong niya kung paano malalamang mapagkakatiwalaan ang tao na nakapaligid sa kanya
- Ito umano ang kanyang problema at sa pakiramdam niya ay naa-attract niya ang mga maling mga tao
- Hindi naman daw siya madaling magtiwala at kinilala naman niya ng maayos ang mga taong ito ngunit natuklasan niyang may ginawa pala ang mga ito na hindi maganda
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Muling nag-viral ang video ni Nadine Lustre nang makausap niya sina Carmina Villaroel, Candy Pangilinan at Gelli de Bellen. Dito ay naibahagi niya ang karanasan niya tungkol sa mga taong aniya'y matagal niya naman nang kilala ngunit natuklasan niyang may ginawa pala ang mga ito na hindi maganda.

Source: Instagram
Aniya, sa pakiramdam niya ay naa-attract niya ang mga maling mga tao.
Naitanong sa kanya ni Carmina kung madali daw ba siyang magtiwala.
Sagot naman ni Nadine, hindi naman siya madaling magtiwala ngunit ang mga taong ito ay matagal niya nang kilala ngunit natuklasan niyang may ginagawa palang hindi maganda sa kanya at nahuli niya ito ng mga limang beses.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Nadine Lustre ay isang aktres, product endorser at recording artist. Siya ang kapareha ni James Reid sa ilang pelikula at teleserye. Kilala ang kanilang tambalan sa bansag na JaDine. Gayunpaman, inamin ng magkasintahan na hiwalay na sila noong January, 2020.
Para kay Nadine Lustre, nakakalokang tsismis daw tungkol sa kanya ay palagi na lang siyang buntis. Aniya, nagtataka siya na taon-taon na lang siyang nababalitang buntis gayong hindi naman daw iyon totoo. Dagdag pa niya hindi niya itatago sa publiko kung sakali mang mangyari na magbuntis siya. Pabiro din niyang sinabi na hindi siya buntis taon-taon kagaya ng palaging nagiging haka-haka.
Magkasama sina James Reid at Issa Pressman na nanood ng concert ni Harry Styles kamakailan. Sa unang pagkakataon ay nagbahagi si Issa ng picture nilang magkasama na tila magkahawak-kamay. Si James din ay nagbahagi ng pictures at video kung saan makikitang kasama niya nga si Issa. Kahit walang pag-amin ay umani ng mga komento ang post nilang dalawa lalo at kinailangang ipagtanggol noon ni Yassi Pressman ang kapatid nang maiugnay kay James
Source: KAMI.com.gh