Maine Mendoza at Arjo Atayde, pinasilip ang kanilang pre-wedding video

Maine Mendoza at Arjo Atayde, pinasilip ang kanilang pre-wedding video

- Ibinida nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang kanilang prenup video na kuha sa US west coast

- Makikita sa naturang video na magkasama ang dalawa na tila papunta sa Las Vegas, Nevada

- Makikita sa mahigit walong minutong video ang pagiging masayahin ng dalawa

- Inilabas nila ang naturang video isang araw matapos ang kanilang pag-iisang dibdib sa Alphaland sa Baguio

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang kanilang kakaibang pre-wedding video. Marami ang natuwa sa kanilang prenup video dahil ayon sa ilang netizens ay natural at masaya lang ang dalawa.

Maine Mendoza at Arjo Atayde, pinasilip ang kanilang pre-wedding video
Maine Mendoza at Arjo Atayde, pinasilip ang kanilang pre-wedding video (@mainedcm)
Source: Instagram

Makikita sa mahigit walong minutong video ang pagiging masayahin ng dalawa. Inilabas nila ang naturang video isang araw matapos ang kanilang pag-iisang dibdib sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel sa Baguio City.

Read also

Tweet ni Maine Mendoza na "Arjo cutie" noong July 28, 2013, binalikan ng netizens

Marami naman sa mga kapwa nila celebrities ang tuwang-tuwa sa nakaaaliw na prenup video ng dalawa dahil hindi ito kagaya ng karaniwang prenup video.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Arjo Atayde ay aktor na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang teleserye kagaya ng Hanggang Kailan, The General’s Daughter, at sa iWant original series na Bagman kung saan nakasungkit siya ng maraming acting awards. Anak siya ng beteranang aktres na si Sylvia Sanches at kapatid ni Ria Atayde.

Sa isang panayam ng broadcaster na si Julius Babao sa aktor na si Arjo naitanong sa kanya kung napag-uusapan na nila ni Maine ang tungkol sa pagpapakasal. Inamin ni Arjo na napag-uusapan na nilang magkasintahan ang tungkol sa bagay na ito lalo at nasa tamang gulang naman na sila at masaya sila sa isa't-isa. Ayon pa kay Arjo, umaasa siyang sila na ang magkakatuluyan ng TV host-actress at aniya ay sana hanggang sa kanilang pagtanda. Muli niya ding nabanggit kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.

Read also

Arjo Atayde, nagbahagi ng tula para kay Maine Mendoza sa araw ng kasal nila

Nauna nang naibalita ng KAMI na engaged na si Maine sa kanyang boyfriend na si Arjo. Sa kanyang Instagram post ay binahagi ni Maine ang ilang pictures nila ni Arjo. Kapansin-pansin din ang kanyang suot na singsing na makikita sa apat na litratong kanyang binahagi. Bumuhos naman ang pagbati sa dalawa hindi lang mula sa kanilang fans kundi maging mula sa kasamahan nila sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel