Chiz Escudero, hindi naisip na sukuan si Heart Evangelista

Chiz Escudero, hindi naisip na sukuan si Heart Evangelista

- Sa bagong vlog ni Heart Evangelista ay nakasama niya ang kanyang asawang si Chiz Escudero

- Sa kanilang bagong adulting video ay natanong ni Heart kung naisip ba niyang sumuko sa kanilang relasyon o sukuan ang isa't-isa

- Ani Chiz, hindi sumagi sa kanyang isipan na sukuan ang kanyang asawa matapos ang kanilang pinagdaanan

- Aniya ang kanta ng singer na si Jason Mraz "I Won't Give Up" ay nasa kanyang playlist

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling nakasama ni Heart Evangelista ang kanyang mister na si Chiz Escudero sa isang bagong vlog. Dito ay napag-usapan nila ang kanilang pinagdaanan at pananaw sa pag-ibig, pakikipagkaibigan at marriage.

Chiz Escudero, hindi naisip na sukuan si Heart Evangelista
Chiz Escudero, hindi naisip na sukuan si Heart Evangelista (@iamhearte)
Source: Instagram

Naitanong ni Heart kay Chiz kung naisip ba daw nitong sukuan siya.

"No, I'm like Jason Mraz and his song "I Won't Give Up." That's in my playlist. "No, principally because of family. That grounded me, too. That was my anchor, too."

Read also

Vice Ganda, napatili nang ilabas ang birthday cake ni Ogie Alcasid: "Aaayy! May Icing"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ikinasal si Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel