Brenda Mage, ibinida ang night view sa kanyang Hinaguan farm

Brenda Mage, ibinida ang night view sa kanyang Hinaguan farm

- Naibahagi ni Brenda Mage ang night view sa kanyang Hinaguan Farm na ngayon ay mas marami nang nadagdag

- Sa kanyang post ay naibahagi niyang ang mga mas lumago nang mga halaman at bulaklak na kanilang itinanim

- Marami na rin ang naidagdag nilang mga mesa at upuan at mga kubo na maaring mapagpahingahan ng mga gustong mamasyal doon

- Matatandaang naging inspirasyon din siya sa marami matapos niyang ibahagi ang napatayo niyang bahay hindi lamang para sa kanya kundi maging ang ibang kaanak niya ay pinagawaan niya ng bahay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Brenda Mage ang napakagandang night view ng kanyang Hinaguan Farm. Marami na siyang naidagdag sa farm na dati ay nagsimula lamang sa isang farm house.

Brenda Mage, ibinida ang night view sa kanyang Hinaguan farm
Brenda Mage, ibinida ang night view sa kanyang Hinaguan farm (facebook.com/BrendaMageOfficial)
Source: Facebook

Mas marami nang mga bulaklak ang naroroon at maging ang mga upuan at mesa ay kanilang pinaganda. Nagpatayo din siya ng mga A house na pwedeng mapagpahingahan ng mga gustong mamasyal doon.

Read also

Joey De Leon, nais lamang maalala sa isang bagay: "Na ako ang nagpangalan ng Eat Bulaga"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Sa naunang ulat ng KAMI, binigyan ni Brenda ng bagong cellphone ang kanyang boyfriend na si Gio Sta. Ana. Sa isang Facebook post ay binahagi niya ang pictures ng boyfriend at pabirong pinahagingan ang aniya'y mga "Marites." Nilinaw niyang binahagian lamang niya ang boyfriend ng kinita ng kanyang vlog kung saan pumunta siya sa bahay nito. Matatandaang kamakailan lang ay diretsahan ding binuweltahan ni Brenda ang mga bashers niya na nagsasabing pera lang ang habol sa kanya ng boyfriend.

Binahagi ni Brenda ang kanyang susunod na ipapagawa matapos ang pinagawa niyang bahay niya sa kanilang probinsiya. Aniya, dahil natapos na ang bahay niya at ng kanilang mama, ipapagawa niya na rin ang bahay ng kanyang ate. Pagkatapos umano ang bahay ng ate niya ay isusunod niyang papaayos ang bahay ng isa pang kapatid niya na lalaki. Pabiro pa nitong siningil ang aniya'y may utang sa kanya para aniya ay pangdagdag lang sa pagpapagawa niya ng bahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel