Ogie Diaz sa post tungkol sa TF ni Ian Veneracion: "Kung hindi kaya ang presyo, eh di wag kunin"

Ogie Diaz sa post tungkol sa TF ni Ian Veneracion: "Kung hindi kaya ang presyo, eh di wag kunin"

- Nagbahagi si Ogie Diaz ng kanyang saloobin tungkol sa nag-trending na post tungkol sa diumano'y talent fee ni Ian Veneracion

- Aniya, kung hindi kaya ang presyo ay huwag na lang daw kunin at hindi na kailangan pang i-post

- Dagdag pa niya, baka tulungan pa niya sila na i-bash si Ian kung may kontrata na ito at hindi sumipot

- Matatandaang kamakailan ay ibinahagi ng isang Facebook user ang umano'y napakamahal na talent fee ni Ian kahit ang kanyang gagawin ay sasama lang daw sa parada at sakay sa float

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Ogie Diaz ng kanyang opinyon kaugnay sa nag-viral na post tungkol sa talent fee ni Ian Veneracion. Aniya, kung hindi kaya ang presyo ay huwag na lang daw kunin at hindi na kailangan pang i-post.

Read also

PCSO, iginiit na sinadya nilang in-edit ang damit ng Lotto jackpot winner

Ogie Diaz sa post tungkol sa TF ni Ian Veneracion: "Kung hindi kaya ang presyo, eh di wag kunin"
Ogie Diaz sa post tungkol sa TF ni Ian Veneracion: "Kung hindi kaya ang presyo, eh di wag kunin"
Source: Facebook

Aniya, baka tulungan pa niya sila na i-bash si Ian kung may kontrata na ito at hindi sumipot.

Saka kayo mag-post kung me kontrata na, pero hindi sinipot nu'ng tao. Juice ko, pag nangyari 'yon, baka tulungan ko pa kayong i-bash si Ian!

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dagdag pa niya, maaring sabihin ni Ian na wala naman siyang kinalaman sa ganoong usapin at management lang niya ang may alam tungkol doon.

Imadyinin ninyo, hindi na nga natuloy, pinost pa at na-subject pa sa bashing nang todo si Ian. Eh, sagutin lang kayo ng, "Wala po akong kinalaman diyan. Kaya nga po ako may management, eh. Sila po ang bahala sa career ko," tae este, talo na kayo.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake"

Read also

Bagong pag-ibig ni Andrew Schimmer, ka-birthday ng yumaong partner

Muling nabuhay ang umano'y isyu ng AlDub matapos na magsalita si Maine ukol dito sa panayam sa kanya ni Ogie. Aniya mainam na magsalita na rin si Alden upang mas mapagtibay ang pahayag ni Maine na naging on-screen partners lang sila. Sinang-ayunan din ni Ogie ang mungkahi ng netizen na sana'y maglabas din ng pahayag ang Eat Bulaga kaugnay sa isyu. Matapos kasi ang panayam kay Maine ni Ogie, agad na lumabas ang video ng 'di umano'y pagtitipon ng 'AlDub Nation.'

Sa panayam ni Ogie kay Maine, naibahagi ni Maine ang tungkol sa pakikipag-ugnayan niya sa mga AlDub fans. Noon umano ay talagang personal siyang nagpapadala ng message para pabulaanan ang mga haka-haka sa kanila ni Alden. Aniya, ayaw niyang para siyang may nilolokong tao para lang sa pera at kasikatan dahil hindi siya ganoong klase ng tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel