Regine Velasquez, tawang-tawa sa pamilya ni Melai at Jason Francisco

Regine Velasquez, tawang-tawa sa pamilya ni Melai at Jason Francisco

- Tawang-tawa si Regine Velasquez sa pamilya nina Melai at Jason Francisco nang mag-guest ang mga ito sa "Magandang Buhay"

- Naitanong nila sa mga anak nila Melai at Jason kung masaya daw ba sila na mag-sasampung taon nang mag-asawa ang kanilang mga magulang ngayong Disyembre

- Sa kanilang pagsagot ay inihayag ng dalawa ang kanilang saloobin nang pag-usapan daw nila ang tungkol kay Ivana Alawi at ang viral na pagkikita nina Melai at Jericho Rosales sa ABS-CBN ball

- Hindi naman maitago sa mukha ni Jason na nagpapakita na tila wala na siyang magawa sa kadaldalan ng kanyang mag-iina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tawang-tawa si Regine Velasquez sa pag-guest nina Mela at Jason Francisco kasama ang kanilang mga anak sa Magandang Buhay. Naitanong sa kanilang mga anak kung masaya daw ba sila na magsa-sampung taon nang mag-asawa ang kanilang mga magulang.

Read also

Amy Perez, agad humingi ng paumanhin sa nasabi niya matapos siyang magulat

Regine Velasquez, tawang-tawa sa pamilya ni Melai at Jason Francisco
Regine Velasquez, tawang-tawa sa pamilya ni Melai at Jason Francisco (@reginevalcasid)
Source: Instagram

Sinagot ni Mela na masaya naman pero agad na sumagot si Stela na hindi siya masaya dahil pinag-usapan nila sa naturang episode si Ivana Alawi.

Agad namang sumagot si Mela at binanggit ang tungkol sa pagkikita nina Melai at Jericho Rosales sa ABS-CBN ball.

Agad naman silang inawat ni Melai at sinabihan silang wala sila sa vlog. Hindi naman maitago sa mukha ni Jason ang reaksiyon nito na tila nagsasabing suko na siya sa kadaldalan ng kanyang mag-iina.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Regine Velasquez o Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid sa totoong buhay ay kilalang mang-aawit at binansagang "Asia's Songbird." Ang kanyang kahanga-hangang husay sa pagbirit ang isa sa pinakahinahangaan sa kanya. Bukod sa pagkanta, umarte na rin siya sa ilang pelikula at isa din siyang producer.

Kinaaliwan ang biro ni Regine na kunwari ay nakikiusyuso kay Francine Diaz. Ito ay noong kasagsagan ng isyu tungkol sa kanila ni Andrea Brillantes at Seth Fedelin. Naging bahagi na din si Regine ng talk show na Magandang Buhay. Kinaaliwan ang kanyang post kung saan nawindang siya nang mapansing naka-tsinelas lamang siya nang pumunta siya sa taping.

Read also

Mela at Stela, may makulit na reaksyon sa video nina Echo at Melai sa ABS-CBN ball

Matapos mag-viral ang pagbabalik-tanaw ni Regine kaugnay sa nangyari bago sila nagkatuluyan ni Ogie Alcasid, naibahagi ni Cristy Fermin ang umano'y kanyang nasaksihan. Hindi lang umano isang beses nasangkot si Regine sa isyu ng pagiging 3rd party sa isang relasyon. Muling binalikan ni Nanay Cristy ang pagkasangkot niya sa relasyong Gelli de Bellen at Ariel Rivera. Nasangkot din umano si Regine sa relasyong Bing Loyzaga at Janno Gibbs kahit kasal na ang mag-asawa noong mga panahong iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel