Boy Abunda, napatayo sa Fast Talk questions ni Bea Alonzo
- Aminado si Boy Abunda na nahirapan siya sa mga tanong ni Bea Alonzo sa kanya sa fast talk interview nito sa kanya
- Pinaranas ni Bea sa King of Talk ang nakakakabang fast talk sa mismong host na malimit gumagamit nito sa kanyang guests
- Sa isang bahagi ng interview ay napatayo pa si Tito Boy dahil aniya ay pinaghandaan siya ni Bea
- Ani Bea, nagpapasalamat siya sa TV host dahil pinagbigyan siya nito sa hiling niyang interview
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pinaranas ni Bea Alonzo kay Boy ABunda kung paano ang sumagot sa mga Fast Talk questions. Sa isang bahagi ng interview ay napatayo pa si Tito Boy dahil aniya ay pinaghandaan siya ni Bea.

Source: Instagram
Aminado naman si Tito Boy na nahirapan siya at napaisip sa mga katanungan ni Bea sa kanya na nahati sa Easy, Medium at Hard. Naganap ito nang makapanayam si Bea ni Boy Abunda sa programa nitong Fast Talk sa GMA-7. Ani Bea, nagpapasalamat siya sa TV host dahil pinagbigyan siya nito sa hiling niyang interview.
Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Para kay Bea, dapat ay magpaalam ang isang tao sa kanyang karelasyon kung iiwan man niya ito. Ito ang kanyang mensahe nang tanungin ni Francine Diaz sa kanyang YouTube vlog episode kung saan nakapanayam niya ang aktres. Naitanong kay Bea kung ano ang masasabi niya sa mga taong nang-go-ghost na agad namang sinagot ni Bea na mali iyon. Hirit naman ni Francine, para siyang nanonood ng pelikula sa mga binitawang salita ni Bea na aniya ay parang linyahan sa pelikula.
Umamin siyang naranasan niya ang tinatawag na pag-"drunk dial" sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari. Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex. Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya. Si Gerald Anderson ang pinakahuling ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.
Source: KAMI.com.gh