Bea Alonzo, nagkaroon daw ng karelasyon na halos araw-araw siyang pinagtitimbang
- Naibahagi ni Bea Alonzo sa vlog ni Mariel Padilla na nagkaroon siya ng karelasyon na araw-araw umano siyang pinagtitimbang
- Pinapabantayan umano sa kanya halos araw-araw kung nadadagdagan ang kanyang timbang
- Mayroon din daw siyang boyfriend na hiniwalayan niya sa araw ng kaarawan niya
- Isa pang naibahagi ni Bea na nakablind date daw niya ang isang gwapong lalaki na hindi niya na itinuloy dahil hindi niya kinaya ang nakitang laway sa gilid ng bibig nito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nakwento ni Bea Alonzo ang ilang facts tungkol sa kanyang dating experiences. Naibahagi ni Bea sa vlog ni Mariel Padilla na nagkaroon siya ng karelasyon na araw-araw umano siyang pinagtitimbang.

Source: Instagram
Pinapabantayan umano sa kanya halos araw-araw kung nadadagdagan ang kanyang timbang.
Meron akong naging jowa na pinag-we-weighing scale ako almost everyday just to check if I'm heavier.
Mayroon din daw siyang boyfriend na hiniwalayan niya sa araw ng kaarawan niya. Isa pang nakwento ni Bea na may naka-blind date daw niya ang isang gwapong lalaki na hindi niya na itinuloy dahil hindi niya kinaya ang nakitang laway sa gilid ng bibig nito.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.
Para kay Bea, dapat ay magpaalam ang isang tao sa kanyang karelasyon kung iiwan man niya ito. Ito ang kanyang mensahe nang tanungin ni Francine Diaz sa kanyang YouTube vlog episode kung saan nakapanayam niya ang aktres. Naitanong kay Bea kung ano ang masasabi niya sa mga taong nang-go-ghost na agad namang sinagot ni Bea na mali iyon. Hirit naman ni Francine, para siyang nanonood ng pelikula sa mga binitawang salita ni Bea na aniya ay parang linyahan sa pelikula.
Umamin siyang naranasan niya ang tinatawag na pag-"drunk dial" sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari. Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex. Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya. Si Gerald Anderson ang pinakahuling ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh