Katrina Velarde, pinakilala ang kanyang bagong karelasyon

Katrina Velarde, pinakilala ang kanyang bagong karelasyon

- Pinakilala ni Katrina Velarde ang kanyang bagong karelasyon na isa ding foreigner

- Sa kanyang Instagram post ay binahagi ni Katrina ang pictures nila kasama ang aniya'y captain at kanyang pilot in command

- Aniya, marami man ang nawala ay mas kinompleto nito ang lahat nang dumating sa buhay ng singer

- Matatandaang mahigit isang taon na ang nakakaraan nang lumabas ang balita tungkol sa pagpanaw ng asawa ni Katrina na isang American music producer, si Mike Shapiro

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakilala ni Katrina Velarde ang kanyang bagong karelasyon matapos ang mahigit isang taon ng pagiging biyuda. Sa kanyang Instagram post ay proud na pinakita ni Katrina ang kanyang bagong boyfriend.

Katrina Velarde, pinakilala ang kanyang bagong karelasyon
Katrina Velarde, pinakilala ang kanyang bagong karelasyon (facebook.com/KatrinaVelardeOfficial)
Source: Instagram

Ani Katrina, marami man ang nawala sa kanya, mas naging kompleto umano ang lahat sa pagdating ng bagong pag-ibig niya.

Read also

Toni Fowler, hindi pinagsisihan ang paglabas niya ng MPL music video

Maraming nawala, pero nung dumating ka mas kinumpleto mo ang lahat. Salamat sayong pagmamahal. Nakangiti na ulit ang aking puso, walang pag aalinlangan at punong puno ng galak, at handang ipakilala ka sa lahat

Marami naman ang bumati at naghangad ng kasiyahan para kay Katrina.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Katrina Copino Velarde-Shapiro ay isang Filipina singer, performer at actress. Nakilala siya matapos niyang sumali sa ilang mga talent show kagaya ng Talentadong Pinoy at The X Factor Philippines. Tinagurian siyang "Suklay Diva" dahil sa kanyang mga impersonation videos kung saan gamit niya ang suklay bilang mikropono.

Mayo ng 2021 nang isapubliko ni Katrina ang tungkol sa pagpapakasal nila ng kanyang karelasyon na si Mike Shapiro. Binahagi niya ang picture ng kanyang wedding reception sa kanyang Instagram at Facebook account. Ibinahagi niya sa caption na siya ay si Mrs. Shapiro. Wala nang binahaging ibang detalye si Katrina kaugnay sa pagpapakasal kundi ang venue lamang ng kanilang pag-iisang dibdib.

Read also

Maine Mendoza at Arjo Atayde, pinasilip ang kanilang pre-wedding video

Sa isang statement, kinumpirma ni Katrina na pumanaw na ang kanyang mister na si Mike Shapiro sa edad na 57. Sa kanyang statement na inilabas, ibinahagi ni Katrina na namatay ang kanyang asawa na isang musician at educator noong November 14 2021 sa Quezon City. Matatandaang nitong buwan lamang ng Mayo ikinasal sina Katrina at Mike sa Tagaytay. Bumuhos ang mensahe ng pakikiramay sa mang-aawit hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging sa kanyang mga kasamahan sa industriya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel