Ellen Adarna, hindi nakapalag sa prank ni Derek Ramsay sa kanya

Ellen Adarna, hindi nakapalag sa prank ni Derek Ramsay sa kanya

- Hindi nakapalag si Ellen Adarna nang maisahan siya ni Derek Ramsay sa isang binahaging video ni Derek

- Makikita sa video na pumayag si Ellen na isabit ni Derek ang kanyang dalawang paa sa balikat niya habang naka-push up position si Derek

- Hindi nakaligtas si Ellen nang hilahin ng paa ni Derek si Ellen palapit sa kanya sabay mabilis na tumakas ito para hindi agad mabawian ni Ellen

- Kinaaliwan ng netizens ang kulitang ito ng mag-asawa at marami ang nag-aabang ng pagganti ni Ellen

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ng netizens ang biro ni Derek Ramsay sa kanyang misis na si Ellen Adarna. Makikita sa video na pumayag si Ellen na isabit ni Derek ang kanyang dalawang paa sa balikat niya habang naka-push up position si Derek.

Read also

Jake Ejercito's adorable video with daughter Ellie gains praises from netizens

Ellen Adarna, naisahan ni Derek Ramsay; inaabangan ng netizens ang ganti niya
Ellen Adarna, naisahan ni Derek Ramsay; inaabangan ng netizens ang ganti niya (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Hindi na nakaligtas si Ellen nang hilahin siya ni Derek gamit ang paa na nakasabit sa kanyang balikat. Agad ding tumakas si Derek para hindi mabawian ni Ellen.

Kagaya sa mga naunang video na binahagi ng mag-asawa, marami ang nag-aabang na gagantihan ito ni Ellen kaya marami ang nakaabang:

Hahaha impossibleng walang bawi to.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Waiting for the revenge
Inulit ulit ko tlga sobra pa din tawa ko nawala antok ko haha

Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa Timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Read also

Rayver Cruz posts birthday greeting for Gerald Anderson: "Mr. MVP"

Sa kanyang IG stories kamakailan ay sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.

Samantala, kamakailan ay binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel