Francine Diaz, kinaaliwan sa pakipagtawaran niya sa Bangkok, Thailand

Francine Diaz, kinaaliwan sa pakipagtawaran niya sa Bangkok, Thailand

- Nagbahagi ng bagong video si Francine Diaz kung saan pinakita niya ang kanyang pamamasyal sa Bangkok, Thailand

- Dahil wala siyang dalang maraming mga damit ay namili sila doon at game na nakipagtawaran si Francine

- Kasama niya sa naturang trip ang kanyang pamilya na sinama niya rin sa kanyang bakasyon sa South Korea

- Marami ang natuwa at humanga sa aktres dahil sa pagpapahalaga at pagmamahal nito sa kanyang pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan si Francine Diaz sa kanyang bagong vlog kung saan namasyal siya sa Bangkok, Thailand kasama ang kanyang pamilya. Dahil wala siyang dalang maraming mga damit ay namili sila doon at game na nakipagtawaran si Francine.

Francine Diaz, kinaaliwan sa pakipagtawaran niya sa Bangkok, Thailand
Francine Diaz, kinaaliwan sa pakipagtawaran niya sa Bangkok, Thailand (@francinesdiaz)
Source: Instagram

Marami ang natuwa at humanga sa aktres dahil sa pagpapahalaga at pagmamahal nito sa kanyang pamilya.

Read also

Fashion blogger na si Bryan Boy, deadma na sa rice; ibinida ang "Fendi pasta"

Francine grew up na di naman mayaman pero ang sosyal ng bawat galaw at way ng pagsasalita nya. Simple pero graceful kahit nagke kenkoy ang graceful pa din kaya like ko sya kumpara sa mga kasabayan nya ngaun
Nagenjoy talaga ako manood ng vlogs mo Francine. Sana every week may vlogs ka ulit tulad dati.❤ Tuwang tuwa ako nung tumatawad ka

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Now days bihira lang ang umaalis nang bahay na walang make up pero si chin napaka simply walang ka arte arte pero ang ganda

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Read also

Lars Pacheco, muntik nang ma-dethrone dahil sa umano'y paninira sa kanya

Kabilang si Francine sa mga kinilig sa K-drama star na si Kim Soo Hyun matapos niya itong makita nang personal. Pumunta siya sa Mall of Asia Arena para dumalo sa meet and greet event ng K-drama star. Nakaharap niya ito nang malapitan at nakatanggap pa ng isang poster mula sa It's Okay to Not Be Okay star. Hindi nito maitago ang kanyang kilig sa kanyang binahaging picture na kuha nang magkaharap sila.

Kamakailan ay kinaaliwan sina Luis Manzano at Francine sa isang episode ng YouTube show ni Luis na "Luis Listens." Masayang sinagot ng aktres ang mga katanungan ni Luis na mayroong seryoso at marami ding mga patawang mga tanong. Marami ang naaliw at natuwa dahil nasasabayan ni Francine ang pagiging palabiro ni Luis. Sa katunayan ay marami sa mga viewers ng vlog ni Luis ay humihiling ng kasunod pang video na magkasama sila ng dalaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel