Melai Cantiveros, umabot sa mahigit 4M views ang human drone video sa TikTok

Melai Cantiveros, umabot sa mahigit 4M views ang human drone video sa TikTok

- Melai Cantiveros, umabot sa mahigit 4M views ang kanyang human drone video sa TikTok

- Isang araw matapos niya itong i-post ay umabot sa mahigit 4 million views ang naturang TikTok video

- Tinadtad din ng komento ng netizens ang kanyang TikTok post na ito at meron pang nagbabantay sa patuloy na pagtaas ng views nito

- Sa naturang video ay sinabi ni Melai na mahirap daw maging Anne Curtis

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si Melai Cantiveros ay naaliw sa mga reaksiyon ng mga netizens sa kanyang human drone video sa TikTok. Umabot na sa mahigit 4 million views ang itinabo ng naturang video isang araw pa lang ang nakakaraan matapos itong i-post ni Melai.

Melai Cantiveros sa gustong pumasok sa Star Magic: "Wala sa mukha, nakikita nyo naman mukha ko"
Melai Cantiveros sa gustong pumasok sa Star Magic: "Wala sa mukha, nakikita nyo naman mukha ko"
Source: Instagram

Tinadtad din ng komento ng netizens ang kanyang TikTok post na ito at meron pang nagbabantay sa patuloy na pagtaas ng views nito.

Read also

Melai Cantiveros, binahagi sa kanilang nakakaaliw na beach outing

Mala @annecurtissmith ang atake sa una pero nong natapilok, Melai Na!
Akala ko si Ann Curtis nung natapilok si mamshi melay pala hahahahahaha

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Napakaganda at napakakalog my Momshie Melai

Sa naturang video ay sinabi ni Melai na mahirap daw maging Anne Curtis.

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at hambambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Read also

Melai Francisco, tinawag na 'Asia's comedy Queen' ng kanyang Momshie Reg

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel