Regine Velasquez, pinakita ang original lyric sheet ng 'Kailangan Ko'y Ikaw'

Regine Velasquez, pinakita ang original lyric sheet ng 'Kailangan Ko'y Ikaw'

- Binahagi ni Regine Velasquez ang orihinal na lyric sheet ng awiting 'Kailangan Ko'y Ikaw'

- Makikita din sa naturang pahina ang sulat ni Ogie sa kanya kung saan sinabi nito na ito ang kanilang masterpiece

- 'My friend' pa ang tawag ni Ogie sa kanya sa sulat na kung pagbabasehan ang pagkakagawa ng naturang kanta ay taong 2000

- Taong 2010 pa nang maging magkarelasyon sina Ogie at Regine, sampung taon matapos likhain ni Ogie ang naturang awitin na ginamit sa isang pelikulang pinagbidahan ni Regine

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

"Take care always my friend"— ito ay bahagi lamang ng note ni Ogie Alcasid kay Regine Velasquez nang ibigay nito ang original lyric sheet ng 'Kailangan Ko'y Ikaw'. Taong 2000 nang likhain ni Ogie ang naturang awitin.

Read also

Video ng pagkikita nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa isang event, viral

Regine Velasquez, pinakita ang original lyric sheet ng 'Kailangan Ko'y Ikaw'
Regine Velasquez, pinakita ang original lyric sheet ng 'Kailangan Ko'y Ikaw' (@ogiealcasid)
Source: Instagram

Ginamit ito sa isang pelikulang pinagbidahan ni Regine. Matapos ang sampong taon ay naging magkarelasyon naman sina Regine at Ogie.

Sa post ni regine ay makikita ang lyrics ng kanta na may mga kasamang corrections. Kalakip nito ay ang note ni Ogie.

"My dearest Regine, Here is the original writing of our 'masterpiece.' Take care always my friend," Ogie"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Regine Velasquez o Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid sa totoong buhay ay kilalang mang-aawit at binansagang "Asia's Songbird." Ang kanyang kahanga-hangang husay sa pagbirit ang isa sa pinakahinahangaan sa kanya. Bukod sa pagkanta, umarte na rin siya sa ilang pelikula at isa din siyang producer.

Kamakailan, kinaaliwan din ang biro ni Regine na kunwari ay nakikiusyuso kay Francine Diaz. Ito ay noong kasagsagan ng isyu tungkol sa kanila ni Andrea Brillantes at Seth Fedelin. Naging bahagi na din si Regine ng talk show na Magandang Buhay. Kinaaliwan ang kanyang post kung saan nawindang siya nang mapansing naka-tsinelas lamang siya nang pumunta siya sa taping.

Read also

Joey De Leon sa It's Showtime: "Hi Vice! Love namin 'yun... Basta ABS-CBN, love ko”

Matapos mag-viral ang pagbabalik-tanaw ni Regine kaugnay sa nangyari bago sila nagkatuluyan ni Ogie Alcasid, naibahagi ni Cristy Fermin ang umano'y kanyang nasaksihan. Hindi lang umano isang beses nasangkot si Regine sa isyu ng pagiging 3rd party sa isang relasyon. Muling binalikan ni Nanay Cristy ang pagkasangkot niya sa relasyong Gelli de Bellen at Ariel Rivera. Nasangkot din umano si Regine sa relasyong Bing Loyzaga at Janno Gibbs kahit kasal na ang mag-asawa noong mga panahong iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel