Kristel Fulgar, pinakita sa vlog ang unang araw sa pag-aaral niya sa Korea
- Ibinahagi ni Kristel Fulgar sa kanyang YouTube channel ang mga kaganapan sa kanyang unang araw sa eskwela sa Korea
- Makikita sa vlog niya ang kanyang pakikisalamuha sa kanyang mga classmates na mga banyaga
- Matatandaang nauna nang sinabi ni Kristel na gusto niyang mas matuto pa at mas maging mahusay sa pagsasalita ng Wikang Korean
- Ito ay bilang paghahanda rin sa mga oportunidad at trabaho na maaring maibigay sa kanya habang siya ay nasa Korea
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pinakita ni Kristel Fulgar ang kanyang unang araw sa eskwela sa kanyang paaralan sa South Korea. Matatandaang nauna nang sinabi ni Kristel na gusto niyang mas matuto pa at mas maging mahusay sa pagsasalita ng Wikang Korean.

Source: Instagram
Naibahagi niya ang kanyang naging paghahanda bago pumasok hanggang sa kanyang biyahe papuntang paaralan. Madali din siyang nakipagkaibigan sa mga kaklase na kagaya niya ay nag-aaral din tungkol sa Korean language.
Sa naunang vlog ni Kristel kung saan pumirma siya ng kontrata sa isang entertainment agency, sinabi niyang hindi pa malakas ang loob niya pagdating sa pagtanggap ng mga trabaho dahil sa tingin niya ay kailangan niyang maging mas handa lalo na sa kanyang pagsasalita sa Korean.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Kristel Fulgar ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng "Goin' Bulilit". Ilan sa mga palabas na naging kabahagi siya ay Maria Flordeluna, Dahil Sa Pag-ibig, Got to Believe at Bagito.
Sa isang vlog ni Kristel, pinakita niya ang kanyang pagbiyahe papuntang South Korea. Sinundo siya ni Yohan Kim, o mas kilala sa bansag na Big Boss, ang CEO ng isang kilalang skincare brand na ni-launch sa Pilipinas noong 2018. Makikita sa naturang video ang kasiyahan nilang dalawa na muli silang nagkita nang personal matapos ang ilang taong pandemya. Marami naman sa viewers niya ang kinilig sa muli nilang pagsasama.
Pumirma si Kristel Fulgar sa Korean entertainment agency na Fivestone sa Hongdae. Sa kanyang vlog, binahagi ni Kristel ang pagkikita nila ng CEO ng naturang agency at pagpirma niya ng kontrata. Ayon naman sa CEO ng skin care brand na si Yohan Kim, pasado sa Korean beauty standard si Kristel kaya aniya ay may potential siya. Pinalakas pa nito ang loob ni Kristel dahil ayon sa dalaga ay hindi pa siya confident dahil kailangan pa niyang pag-igihin ang kanyang pagsasalita sa kanilang wika.
Source: KAMI.com.gh