Sunshine Cruz at mga anak, nagbagong taon kasama sina Cesar Montano at bagong pamilya nito

Sunshine Cruz at mga anak, nagbagong taon kasama sina Cesar Montano at bagong pamilya nito

- Naibahagi ni Sunshine Cruz ang video ng kanilang pagsalubong ng bagong taon kasama ang tatlong anak na sina Sam, Angelina at Franchesca

- Nagdiwang sila ng bagong taon sa Bohol kasama ang ama nilang si Cesar Montano at ang bagong pamilya nito

- Kasama din nila ang kapatid sa ama na si Diego Loyzaga na kadalasan ay nakakasama ng mag-iina tuwing may mahalagang okasyon ang kanilang pamilya

- Ito ang unang bagong taon na muli nilang nakasama si Cesar matapos ang paghihiwalay nila ni Sunshine

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang binahagi ni Sunshine Cruz ang video ng kanilang pagsalubong ng bagong taon sa Bohol. Kasama ni Sunshine ang mga anak na sina Sam, Angelina at Franchesca.

Sunshine Cruz at mga anak, magdidiwang ng bagong taon kasama sina Cesar Montano at bagong pamilya nito
Sunshine Cruz at mga anak, magdidiwang ng bagong taon kasama sina Cesar Montano at bagong pamilya nito (@sunshinecruz718)
Source: Instagram

Sa isang picture ay makikitang kasama din nila si Cesar Montano, ang partner nito at ang kanilang mga anak. Makikita din na kasama nila ang anak ni Cesar sa aktres na si Teresa Loyzaga.

Read also

Ian de Leon, nagdiwang ng pasko kasama ang inang si Nora Aunor

Ang aktres na si Sunshine Cruz ay mula sa sikat na angkan ng mga Cruz na kilala sa mundo ng showbiz. Ang kanyang mga pinsang sina Geneva Cruz, Donna Cruz, at Sheryl Cruz ay nakilala din sa pag-aartista at sa pag-awit. Nabiyayaan sila ng dating asawang si Cesar Montano ng tatlong anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca. Kagaya ni Cesar, mayroon na ring bagong karelasyon si Sunshine.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi pinalampas ni Sunshine ang isang basher na nagbanggit tungkol sa paggawa niya noon ng "bold movies." Aniya ito umano ang dahilan kung bakit na-turn off si Cesar Montano kay Sunshine kaya naghanap umano ito ng iba. Sagot ni Sunshine, hindi nito alam kung ano talaga ang mga nangyari sa kanila at hindi nila siya kilala. Sinabihan din ng aktres ang naturang basher na nag-komento na mag-move on na lang din siya.

Nag-post si Sunshine ng pictures na kuha sa 18th birthday celebration ng anak niya. Makikita sa kanyang picture na binahagi na kuha ng Nice Print Photgraphy na kasama din si Cesar sa pagdiriwang. Ito ang unang pagkakataon na nag-post si Sunshine ng picture nilang magkakasama simula nang maghiwalay sila ng dating asawa. Naroroon din ang kanyang kasalukuyang partner na si Macky Mathay at ang isa pang anak ni Cesar na si Diego Loyzaga.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel