Herlene Budol, kinaaliwan sa kanyang negosyo hakot challenge

Herlene Budol, kinaaliwan sa kanyang negosyo hakot challenge

- Masayang-masaya si Herlene nang pagbigyan siya ng may-ari ng isang makeup brand na mag-hakot challenge

- Sa binahaging vlog ni Karen Davila ay sinabi ng may-ari ng naturang kompanya na bilib siya sa pagiging masigasig ni Herlene

- Ayon kay Herlene, tinulungan siya ng may-ari ng naturang kompanya noong panahon ng pandemya kung kailan wala siyang masyadong trabaho

- Ani Herlene, pangarap niyang maging kagaya ng may-ari ng kompanya na nagmula din sa mababa hanggang sa narating nito ang tagumpay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang-masaya si Herlene Nicole Budol nang pagbigyan siya na maghakot challenge sa isang kilalang cosmetic company. Ito din daw ang tumulong sa kanya noong panahon ng pandemya kung kailan wala siyang trabaho.

Herlene Budol, kinaaliwan sa kanyang negosyo hakot challenge
Herlene Budol, kinaaliwan sa kanyang negosyo hakot challenge (@herlene_budol)
Source: Instagram

Sa vlog ni Karen Davila ay muli niyang nakasama si Herlene matapos niyang kapanayamin ang may-ari ng cosmetic company.

Bilib na bilib naman ang may-ari habang naghahakot si Herlene dahil anila ay alam na alam nito kung alin ang mga produkto aniya ay mabenta sa kanya.

Naitanong din sa kanya ni Karen kung nahihirapan din daw ba itong magbenta. Aniya ay madali lang daw para sa kanya ang magbenta.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang sumikat sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa siya ay nasa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Matatandaang binahagi ni Herlene ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga kapwa niya sa kandidata sa Miss Planet International 2022. Pinatikim niya sa mga ito ang dala niyang kutkutin na buto ng kalabasa. Tinuruan niya ang mga ito kung paano ang tamang pagkain nito at mukhang nagustuhan naman daw nila ang lasa. Matatandaang pumunta si Herlene sa Uganda sa Africa para sana sumabak sa Miss Planet.

Sa post ni Wilbert Tolentino, sinabi niyang hindi na kasali sa Miss Planet International 2022 si Herlene. Sa kanyang na binahagi sa Facebook, sinabi ni Wilbert na ito ay dahil sa umano'y "uncertainties" sa panig ng mga organizers. Humingi siya ng dispensa sa mga supporters at lahat ng sponsors at designer at pinasalamatan niya din ang mga ito. Ito sana ang kanyang kauna-unahang international pageant.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel