Matet de Leon, pinalipat nang pumila siya sa PWD lane: "Hiyang hiya ako"

Matet de Leon, pinalipat nang pumila siya sa PWD lane: "Hiyang hiya ako"

- Binahagi ni Matet de Leon ang kanyang karanasan nang pumipila siya sa pwd lane

- Aniya, kinalabit daw siya at pinalipat ng pila ng isa babaeng yayamanin

- Ani Matet, hindi man kita ang kanyang disability sana ay maging maunawain ang mga tao sa kanilang kapwa

- Payo naman niya sa mga kagaya niyang pwd ay paunahin ang mga matatanda at yung hirap nang pumila kung kaya naman magtiis nang sandali

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Matet de Leon ang kanyang karanasan nang pumila siya sa pwd lane. Nilinaw niyang mayroon siyang bipolar disorder kaya siya doon nakapila.

Matet de Leon, pinalipat nang pumila siya sa PWD lane: "Hiyang hiya ako"
Matet de Leon, pinalipat nang pumila siya sa PWD lane: "Hiyang hiya ako"
Source: Instagram

Sa kanyang post, ibinahagi ni Matet na pinagtitinginan siya sa isang supermarket na pinuntahan niya. Isang babae umano ang kumalabit sa kanya at pinapalipat siya ng lane.

I have bipolar disorder. I’m a pwd. Hindi halata? Kaya pala pinag titinginan ako kanina sa isang supermarket. Kinalabit pa ako ng isang babaeng yayamanin at pinapalipat ng lane.

Read also

Anak, pinagtanggol ang nanay niyang street sweeper na kinahiya ng gf niya

Aminado siyang nakaramdam siya ng hiya dahil sa nangyari. Aniya, wala naman siyang kasunod na senior o pwd sa pila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hiyang hiya ako. Pati sa sarili ko.. Pumila kasi ako sa pwd lane.. Wala akong kasunod na senior o may visible disability kaya nag decide ako na doon na pumila. Kung saan ako dapat.

Hiling niya na sana ay maging mas maingat ang mga tao lalo at may mga disability na hindi agad-agad nakikita.

Ang hirap ng kalagayan naming may mental health issues na hindi nakikita ng iba.. Sanay sila na ang may mental illness, nagtutulo ng laway o nagsasalita mag isa. Sana sa lahat ng makakabasa nito, mag ingat. Guys, hindi madali ang malagay sa sitwasyon namin. Sana huwag nang pabigatin pa ng iba.. Sana huwag nang paabutin pa sa kailangan na naming isabit sa leeg namin mga id namin.. Kaloka

Read also

Ivana Alawi, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon sa aniya'y poging afam

Payo naman niya sa mga kagaya niyang pwd ay paunahin ang mga matatanda at yung hirap nang pumila kung kaya naman magtiis.

At sa mga kagaya ko, na kaya naman magtiis ng sandali, paunahin ang matatanda at yung talagang makikita ninyong hirap nang pumila. Yun lang.

Si Nora Aunor o Nora Cabaltera Villamayor ay sumikat sa mundo ng showbiz hindi lamang sa husay niya sa pag-arte kundi maging sa kanyang pag-awit. Naging film producer na rin siya kinalaunan. Nakilala siya sa bansag na "Superstar" at isinusulong ng marami na maging National Artist.

Samantala, nauna nang binuweltahan ni Lotlot de Leon ang isang netizen na nagkomento sa kanyang Instagram post kaugnay sa lumabas na balita at litrato na nagsasabing hindi siya kasama sa mga kapatid niya na pumunta sa kanilang inang si Nora Aunor. Ayon sa netizen na nagkomento, masyado na umanong tinitiis ni Lotlot ang ina gayong ito ang umampon sa kanya.

Read also

Kim Chiu, pinasilip ang kanyang rest house sa Tagaytay

Kamakailan ay inihayag ni Nora ang kanyang kasiyahan na nakasama niya ang kanyang mga anak at mga apo. Ito ay sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan kamakailan kasama ang mga taong malalapit sa kanya. Kabilang sina Matet at Ian De Leon sa mga nakasama niya sa kanilang simpleng selebrasyon. Aniya, halos limang araw silang nagkasama sa Bicol at lubos niyang pinagpasalamat na nakasama niya ang kanyang mahal sa buhay sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel