Kim Atienza sa nagsabing lilima lang ang fans niya: "Anim naman"
- Sinagot ni Kim Atienza ang ilang netizens na umalma sa kanyang nilabas na saloobin kaugnay sa viral na video ng mga volleyball players
- Aniya, bilang mga public figure ay dapat mapagsabihan ang mga atleta na responsibilidad nilang bigyan pansin ang mga fans nila na nagbibigay ng kanilang suporta
- Dagdag pa niya, nakakairita ngunit nakakalungkot din na makita ang video kung saan makikita ang mga atleta na naglalakad papunta sa kanilang sasakyan habang kinukuhanan ng video ng mga fans
- Isa sa mga netizens ang nagsabing lilima lang umano ang fans ni Kuya Kim kaya hindi mahirap na pansinin ang mga ito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sinagot ni Kim Atienza ang isang netizen na nagsabing lilima lang ang fans niya kaya hindi mahirap pansinin ang mga ito. Kasunod ito ng paglabas ng saloobin ni Kuya Kim kaugnay sa viral na video ng mga volleyball players na diumano ay hindi namamansin.
Sagot ni Kuya Kim, anim naman daw yung kanyang mga fans. Kasunod nito ay may mga sumuporta sa kanya para pabulaanang kaunti lang ang fans niya.
Sa kanyang post sinabi niyang bilang mga public figure ay dapat mapagsabihan ang mga atleta na responsibilidad nilang bigyan pansin ang mga fans nila na nagbibigay ng kanilang suporta.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dagdag pa niya, nakakairita ngunit nakakalungkot din na makita ang video kung saan makikita ang mga atleta na naglalakad papunta sa kanilang sasakyan habang kinukuhanan ng video ng mga fans.
Si Kim Atienza o mas kilala sa bansag na Kuya Kim ay isang host, actor, weather anchor at isang dating politician. Siya ay dating napanood bilang weather anchor ng TV Patrol segment na Weather-Weather lang.
Kamakailan ay nagkataong nasa Itaewon, South Korea si Kuya Kim nang maganap ang stampede. Naibalita niya ang tungkol sa pangyayari at napakita niya ang naging bakas ng trahedya. 151 ang nasawi sa trahedya at karamihan sa mga ito ay nasa edad 20 pababa. Kabilang sa mga ito ay 17 na banyaga. Bunsod ng trahedya, dineklarang national day of mourning sa South Korea ang October 30.
Kabilang si Kuya Kim sa mga pinasalamatan ni Vice Ganda nang magbigay ito ng pahayag sa pagdiriwang nila ng ika-13 taon ng It's Showtime. Sa kanyang pahayag ay pinasalamatan ni Vice ang mga taong unang nagtaguyod ng show na kinabilangan ng mga direktor at dating mga host na kanilang nakatampuhan. Matatandaang naging usap-usapan ang paglipat ng ilan sa mga hosts at direktor ng It's Showtime.
Source: KAMI.com.gh