Business partner ni Xian Gaza, sumang-ayon umano na di natingin sa panlabas na anyo si Zeinab Harake

Business partner ni Xian Gaza, sumang-ayon umano na di natingin sa panlabas na anyo si Zeinab Harake

- Ayon kay Xian Gaza, sinabi umano ng kanyang business partner na maganda ang mukha ni Zeinab Harake

- Sinabi umano ni Xian na sa likod ng magandang mukha nito ay wagas itong magmahal at hindi tumitingin sa panlabas na anyo

- Dahil sa kanyang sinabi ay tinanong umano siya kung paano nito nasabi

- Dagdag naman ni Xian, naniwala ito nang ipakita niya ang picture nila ni Skusta

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Xian Gaza, para patunayan ang kanyang sinabi na sa likod ng magandang mukha ni Zeinab Harake ay wagas itong magmahal at hindi tumitingin sa panlabas na anyo ay pinakita niya ang picture nila ni Skusta. Sumamng-ayon daw ang kasosyo niya sa negosyo nang makita nito ang picture.

Business partner ni Xian Gaza, sumang-ayon umano na di natingin sa panlabas na anyo si Zeinab Harake
Business partner ni Xian Gaza, sumang-ayon umano na di natingin sa panlabas na anyo si Zeinab Harake (@facebook.com/christianalbertgaza)
Source: Facebook

Sa post ni Xian, sinabi umano ng kanyang business partner na maganda ang mukha ni Zeinab. Kaya nabanggit niyang hindi ito tumitingin sa panlabas na anyo.

Sabi nung business partner ko dito, ang ganda daw ng mukha ni Zeinab. Sabi ko sa likod ng kagandahan niya ay wagas na pagmamahal at hindi natingin sa panlabas na kaanyuan. Paano ko daw nasabi. Pinakita ko picture nila ni Skusta, umagree siya haha

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Matatandaang sinagot ni Donnalyn Bartolome ang post ni Xian tungkol sa umano'y mga babaeng nasa VIP table sa sikat na mga club ba kanyang binanggit. Ayon kay Xian, sa bawat story ng mga babaeng ito ay may sugar daddy na hindi kasama sa video. Ani Donnalyn, hindi dapat nilalahat dahil may mga babaeng kayang magbayad nang hindi umaasa sa sugar daddy. Nilinaw niya rin na hindi niya minamaliit ang mga babaeng gumagawa at humingi siya ng dispensa sa mga babaeng aniya ay nasaktan sa post ni Xian.

Kamakailan ay sinagot ni Xian ang post ni Donnalyn Bartolome kung saan inalmahan nito ang pahayag ni Gaza kaugnay sa "babaeng may sugar daddy." Ani Xian, ang kanyang dahilan sa pag-post ay para patamaan ang kanyang "sugar baby" na aniya ay dinala ang boyfriend sa gimikan gamit ang kanyang pinadalang pera. Dagdag pa niya kung may mga nasaktan sa kanyang post ay hindi na niya problema dahil wala naman daw siyang pake sa nararamdaman ng mga ito. Sinagot din ito ni Donnalyn at sinabing malayo umano ang explanation ni Xian sa "pambababa daw nito sa mga babae."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel