Julia Barretto, nakatanggap ng Cartier mula kay Gerald Anderson

Julia Barretto, nakatanggap ng Cartier mula kay Gerald Anderson

- Nakatanggap si Julia Barretto ng mamahaling regalo mula sa kanyang boyfriend na si Gerald Anderson

- Sa binahaging video ni Ruffa Gutierrez ay makikitang napayakap si Julia kay Gerald matapos nitong buksan ang pulang jewelry box

- Base sa caption ni Ruffa ay Cartier daw ito na sorpresa ni Gerald para sa birthday girl na si Julia Barretto

- Sa mga binahaging Instagram stories ay kabilang si Ruffa sa mga dumalo sa birthday celebration ni Julia

Binahagi ni Ruffa Gutierrez ang reaksiyon ni Julia Barretto sa sorpresang regalo sa kanya ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson. Isang Cartier na regalo ang natanggap ni Julia mula sa boyfriend.

Julia Barretto, nakatanggap ng Cartier mula kay Gerald Anderson
Julia Barretto, nakatanggap ng Cartier mula kay Gerald Anderson (@juliabarretto)
Source: Instagram

Makikita sa video na matapos makita ni Julia ang laman ng pulang kahon ay lumapit ito kay Gerald at yumakap upang magpasalamat.

Bukod sa mga kapatid, ina at boyfriend ni Julia, kabilang si Ruffa sa mga dumalo sa kanyang birthday celebration. Nagdiwang ng kanyang ika-27 na kaarawan si Julia.

Read also

Ogie, sa inakalang mensahe ni Dominic kay Bea sa billboard: "Ako naniniwala na isang ad ito"

Julia Barretto, nakatanggap ng Cartier mula kay Gerald Anderson
Julia Barretto, nakatanggap ng Cartier mula kay Gerald Anderson (@iloveruffag/Instagram)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Julia Barretto ay isang aktres na nagmula sa angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz dahil sa husay nila sa pag-arte. Anak siya ni Dennis Padilla at ng batikang aktres na si Marjorie Barretto. Pamangkin siya nina Claudine at Gretchen Barretto.

Kamakailan ay si Julia ang naging guest ni Yassi Pressman sa kanyang YouTube segment na #CAReokeWithYassi. Bukod sa kanilang pag-uusap at karaoke habang nasa biyahe, tinuruan din ni Yassi si Julia ng dance steps ng "Tala". Sa huling bahagi ng video ay nagsalitan at nagpagalingan sina Yassi at Julia sa mga nakakapilit-dilang tagalog na tongue twisters - Kahit may lahing banyaga ay napabilib si Julia kay Yassi sa husay nito sa mga binigkas nilang tongue twisters.

Kinakiligan sina Julia at Gerald Anderson sa isang video na binahagi ni Gerald sa kanyang YouTube channel. Sumama si Julia sa 3 on 3 basketball game ng boyfriend niyang si Gerald para suportahan ito. Sa huling bahagi ng video ay hindi tumanggi si Julia sa paanyayang isama siya sa exhibition sa dunk contest. Makikita din kung paano alagaan ni Julia si Gerald sa pamamagitan ng pagpunas ng pawis nito kapag nasa break ito mula sa paglalaro.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel