Robin Padilla, kinabahan nang makitang matumba si Isabela nang mag-ski ito

Robin Padilla, kinabahan nang makitang matumba si Isabela nang mag-ski ito

- Binahagi ni Sen. Robin Padilla ang video ng anak niyang si Isabella habang magkasama silang mag-Ski

- Makikita sa naturang video ang pagkatumba ni Isabella matapos ang pagpapadulas niya

- Aminado naman si Sen. Robin na hindi siya nakahinga nang makitang natumba ang anak at hangga't di niya nakitang gumalaw ang anak

- Agad naman niyang nilapitan ang anak nang makitang sinusubukan nitong bumangon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Sen. Robin Padilla na hindi siya nakahinga nang makitang natumba ang anak niyang si Isabela sa pag-ski nito. Makikita sa naturang video ang pagkatumba ni Isabela matapos ang pagpapadulas niya.

Robin Padilla, kinabahan nang makitang matumba si Isabela nang mag-ski ito
Robin Padilla, kinabahan nang makitang matumba si Isabela nang mag-ski ito (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Agad naman niyang nilapitan ang anak nang makitang sinusubukan nitong bumangon.

Unang sabak at stunt ni maria isabela sa pagpapadulas sa niebe. hindi ako nakahinga dito ng ilang saglit hanggat hindi ko siya nakita na gumalaw.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang kamakailan ay nagbakasyon silang pamilya sa Japan kung saan sinubukan nila ang ski. Sa binahaging picture ni Mariel ay makikitang makapal ang niyebe nang sila ay nagbakasyon.

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Nagbigay naman ng babala si Mariel kaugnay sa fake account na nagkukunwaring siya. Sa binahaging screenshot ni Mariel, makikita na ang tinututkoy niya fake accoutn ay may handle na @marieltpadilla_ - Dinagdagan lamang ng underscore ang dulo ng username kaya marami ang maaring maniwalang pagmamay-ari iyon ni Mariel. Makikita sa profile ng fake account na nang-eengganyo ito bilhin ang mga produktong tinitinda niya.

Naibahagi ni Mariel sa kanyang pinakabagong vlog episode ang tungkol sa love story nila ng kanyang mister na si Robin. Sa kanyang vlog, isa-isang sinagot ni Mariel ang mga Google search tungkol sa kanya. Ani Mariel, may mga taong nagsabing dalawang taon lang ay iiwan din siya kaagad ni Robin. Sey ni Mariel sa mga negang tao na nagsabi nito sa kanya: "Happy ba kayo?"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel