Cristy Fermin sa viral clip ni Sen. Robin Padilla: "Kaaliwan, yung hindi sinasadya"

Cristy Fermin sa viral clip ni Sen. Robin Padilla: "Kaaliwan, yung hindi sinasadya"

- Nabanggit ni Cristy Fermin ang tungkol sa viral na video ni Sen. Robin Padilla na kumakalat ngayon sa social media

- Ang tinutukoy nito ay ang paglabas ni Sen. Padilla sa live selling ng asawa niyang si Mariel Padilla

- Sinasabing nakitaan daw siya ng maselang bahagi ng kanyang katawan sa naturang video

- Gayunpaman, wala pang pahayag ang mag-asawa kaugnay dito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napag-usapan sa programang Cristy FerMinute ang tungkol sa viral na video clip ni Sen. Robin Padilla. Ang tinutukoy nito ay ang paglabas ni Sen. Padilla sa live selling ng asawa niyang si Mariel Padilla.

Cristy Fermin sa viral clip ni Sen. Robin Padilla: "Napakaliit na bahay, huwag nang palakihin"
Cristy Fermin sa viral clip ni Sen. Robin Padilla: "Napakaliit na bahay, huwag nang palakihin"
Source: Youtube

Wala pang inilabas na pahayag ang mag-asawa kaugnay dito. Pero ayon kay Cristy Fermin, naging viral lang ito dahil ang sangkot dito ay si Sen. Padilla.

Read also

Ilang TikTokers, umamin na scripted ang kanilang ginawang video laban kay Maggie Wilson

Dahil si Robin Padilla yan, pero kung iba wapakels ang ating mga kababayan.

Kasalukuyang kumakalat ang naturang video clip na kuha sa live selling video ni Mariel.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ani Nay Cristy, maliit na bagay nito.

Napakaliit na bagay naman daw po eh huwag nang palakihin pa.

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Nagbigay naman ng babala si Mariel kaugnay sa fake account na nagkukunwaring siya. Sa binahaging screenshot ni Mariel, makikita na ang tinutukoy niyang fake account ay may handle na @marieltpadilla_. Dinagdagan lamang ng underscore ang dulo ng username kaya marami ang maaring maniwalang pagmamay-ari iyon ni Mariel. Makikita sa profile ng fake account na nang-eengganyo ito bilhin ang mga produktong tinitinda niya.

Read also

Maggie Wilson, ibinahagi ang screenshot ng umano'y 'script' na binigay sa influencers

Naibahagi ni Mariel sa kanyang pinakabagong vlog episode ang tungkol sa love story nila ng kanyang mister na si Robin. Sa kanyang vlog, isa-isang sinagot ni Mariel ang mga Google search tungkol sa kanya. Ani Mariel, may mga taong nagsabing dalawang taon lang ay iiwan din siya kaagad ni Robin. Say ni Mariel sa mga negang tao na nagsabi nito sa kanya: "Happy ba kayo?"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel