Mimiyuuuh, kinaaliwan matapos niyang iparinig ang pagkanta kina Ariel Rivera at Jose Mari Chan

Mimiyuuuh, kinaaliwan matapos niyang iparinig ang pagkanta kina Ariel Rivera at Jose Mari Chan

- Binahagi ni Mimiyuuuh ang isang maiksing video kung saan kasama niya sa sasakyan ang mga OPM icons na sina Ariel Rivera at Jose Mari Chan

- Pinarinig niya sa mga ito ang kanyang pagkanta ng awiting 12 Days of Christmas gamit ang kanyang kulot-kulot na paraan ng pagkanta

- Ani Jose Mari Chan, parang iba umano ang tunog ng pagkanta ni Mimiyuuuh

- Si Ariel naman ay pabirong humirit na parang kambing umano ang kumakanta

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Mimiyuuuh ang isang video kung saan kinantahan niya ng awiting 12 Days of Christmas sina Ariel Rivera at Jose Mari Chan. Kinaaliwan ng netizens ang reaksiyon ng dalawang OPM icons sa pagkanta ni Mimiyuuuh.

Mimiyuuuh, kinaaliwan matapos niyang iparinig ang pagkanta kina Ariel Rivera at Jose Mari Chan
Mimiyuuuh, kinaaliwan matapos niyang iparinig ang pagkanta kina Ariel Rivera at Jose Mari Chan (@mimiyuuuh)
Source: Facebook

Makikita sa naturang maiksing video na nakasakay sa isang sasakyan ang tatlo. Matapos kumanta ni Mimiyuuuh, sinabi ni Jose Mari Chan na parang iba umano ang tunog ng pagkanta niya. Si Ariel naman ay pabirong humirit na parang kambing umano ang kumakanta.

Read also

Erik Santos, napahagulhol sa pagbabahagi ng mga huling sandali ng kanyang ina

Hirit naman ni Mimiyuuuh sa naturang video, siya ang pinakatalented sa grupo kaya hinihila siya pababa.

Hirap talaga pag-ikaw pinakatalented sa grupo no po. Hinihila ka nila pababa!

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang komento ng netizens sa video na ito na binahagi ng vlogger:

OMG mimi.. kalevels na si Jose Maruchan at si Ariel-powermatic Rivera
Miiiiee.. wag ka magpapadaig.. turuan mo sila ng proper vocalizinationism.
Nakakamiss yung ganitong content hahaha

Sumikat si Mimiyuuuh noong 2019 matapos mag viral sa social media ang kanyang "Dalagang Pilipina" video. Ito ang naging daan upang magkaroon siya ng mga endorsement at napabilang sa mga pinakasikat na social media influencers sa bansa.

Binahagi kamakailan ni Mimiyuuuh ang isang virtual tour ng kanyang bahay. Sa video na kanyang binahagi, pinakita niya ang "modern Filipino" look ng bahay niya na gawa ng interior designer na si Madelaine San Jose. Ilan sa bahagi ng bahay niyang kanyang pinakita ay ang living room, dining area, pantry at ang kanyang kusina. Aniya, napagpasyahan niyang pagandahin ang bahay lalo at palagi naman siyang nasa bahay.

Read also

Ricci Rivero umalma sa post ni Xian Gaza: "Bida-bida ka masyado"

Kinaaliwan kamakailan ang post ni Mimiyuuuh na siya ang “Heart Evangelista jejemon variant." Marami ang naaliw sa post niyang ito sa social media kung saan makikita siyang nakasuot ng magarang OOTD habang siya ay nasa Japan. Maging si Heart ay nag-comment sa Instagram reel na ito na binahagi ni Mimiyuuuh.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel