Jelai Andres, nawindang sa article tungkol sa pag-uugnay sa kanila ni Buboy Villar

Jelai Andres, nawindang sa article tungkol sa pag-uugnay sa kanila ni Buboy Villar

- Ani Jelai Andres, tawang-tawa siya nang mabasa siya ang isang article tungkol sa kanila ng malapit niyang kaibigan na si Buboy Villar

- Aniya, malamang masuka suka umano si Buboy pag mabasa niya ang naturang article mula sa isang tabloid

- Karamihan sa mga video ng magkaibigan ay makikitang magkasama sila at hindi maitatatwa ang kanilang pagiging malapit

- Gayunpaman, palagi nilang nababanggit ang tungkol sa pagpapahalaga nila sa isa't-sa bilang kaibigan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinawindang ni Jelai Andres ang lumabas na article patungkol sa kanila ni Buboy Villar. Aniya, tawang-tawa na lang siya sa nabasa.

Jelai Andres, nawindang sa article tungkol sa pag-uugnay sa kanila ni Buboy Villar
Jelai Andres, nawindang sa article tungkol sa pag-uugnay sa kanila ni Buboy Villar (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

Karamihan sa mga video ng magkaibigan ay makikitang magkasama sila at hindi maitatatwa ang kanilang pagiging malapit.

Dagdag pa niya, malamang masuka suka umano si Buboy pag mabasa niya ang naturang article mula sa isang tabloid. Sa kabila kasi ng pagiging malapit ng dalawa, malimit nilang nababanggit ang tungkol sa pagpapahalaga nila sa isa't-sa bilang kaibigan.

Read also

Ice Seguerra, sinorpresa ang dating ka-loveteam na si Spencer Reyes

Hoyyy abante ano itu???!! Hahaha nagulat ako tawang tawa ko. Malamang masuka suka si Buboy boltu pag nakita to hahahha! pambihira sa romansa hahahahahah

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Jelai Andres ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

Sa kainitan ng pagputok ng balita tungkol sa muling paghihiwalay nila ni Jon, hindi napigilang ilabas nina Jelai at kapatid nito ang kanilang sama ng loob kay Jon. Matapos ang pag-trending ng tungkol sa isyu nila, naapektuhan ng husto si Jelai. Sa katunayan, ibinahagi ng kaibigan niya na pumayat na nga ito dahil hindi masyadong nakakakain.

Read also

Pamilya ni Melai Cantiveros, kinaaliwan sa kanilang New Year family picture

Isa sa naging highlight ng isang vlog episode ni Jelai ay ang No Reaction Challenge nila ni Buboy Villar. Magpapagalingan sila sa pagpigil sa kanilang sarili na sumigaw o magpakita ng reaksiyon sa kanilang pagsakay sa mga extreme rides sa isang amusement park. Habang sumasakay sila sa isang drop tower ride, hinimatay si Jelai at nakuhanan ito ng video ni Buboy. Agad naman siyang nahimasmasan nang matapos ang oras nila sa naturang ride.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel