Jennica Garcia, naantig sa love letter mula sa panganay na anak

Jennica Garcia, naantig sa love letter mula sa panganay na anak

- Ayon kay Jennica Garcia, wala sa plano niya na mag-video ngunit aniya ay gusto niyang mapanuod sa feed niya ang video na ginawa niya

- Kaugnay ito sa unang sulat na kanyang natanggap mula sa kanyang panganay na anak na si Mori

- Hindi maitago ni Jennica ang emosyon habang binabasa ang sulat ng anak kung saan pinapasalamatan siya nito

- Pinasalamatan niya rin ang teacher ng anak na matiyagang nagturong magbasa at magsulat kay Mori

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naantig si Jennica Garcia sa sulat ng anak niyang si Mori para sa kanya. Ito umano ang kauna-unahang sulat na ginawa ng panganay na anak na binigay nito sa kanya nang sunduin niya ito sa paaralan.

Jennica Garcia, naantig sa love letter mula sa panganay na anak
Jennica Garcia, naantig sa love letter mula sa panganay na anak (@jennicauytingco)
Source: Instagram

Hindi niya maitago ang kanyang pagkaantig sa pasasalamat ng anak niya sa pag-aalagang ginagawa niya sa kanila. Nabigla din daw siya sa nasabi ng anak na "My home is my family."

Read also

Billy Crawford sa pagkakamali ni Alex Gonzaga: "She’s really sorry naman"

Pinasalamatan din ni Jennica ang teacher ng anak na matiyagang nagturong magbasa at magsulat kay Mori.

Samantala, marami dn ang naantig sa mensaheng ito ni Mori. Narito ang ilan sa komento ng netizens:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

My home is my family. Nakakaiyak ate Mori na marinig yan galing sayo . Maliit kapa pero alam muna ang kahalagahan ng isang pamilya.
Ang sweet naman ni ate Mori!
Ang sweet ng mga anak mo ma'am Jennica

Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya.

Sa isang Instagram post ay binahagi ni Jennica ang natanggap na mensahe mula sa kanyang amang si Jigo Garcia. Tinatanong nito ang tungkol sa picture na binahagi ni Jennica at kung bakit ganoon daw ang kanyang suot. Kapansin-pansin din na dalawang beses iyong pinadala at mayroong mga naka-caps lock sa natanggap niyang message. Kaya naman, minabuti umano ni Jennica na burahin na lamang ang kanyang picture kahit hindi pa naman siya sinabihang burahin.

Read also

Brenda Mage, nagbahagi ng "nose reveal" video matapos niyang magpagawa ng ilong

Kasunod ng pag-viral ng kanyang post kung saan ibinahagi niya ang message ng kanyang Papa Jigo, marami sa mga netizens ang nag-udyok kay Jennica na ipakita ang mukha ng kanyang ama. Kaya naman, nagbahagi si Jennica ng "Papa reveal" na post sa kanyang social media account. Ibinahagi niya ang aniya'y isa sa pinakapaborito niyang picture ng kanyang Papa Jigo. Wala itong damit pang-itaas at nakakubli sa isang malaking bato kung saan makikita ang under the sea background.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel