Jennica Garcia, binahagi ang picture niya kasama ang dalawang anak
- Binahagi ni Jennica Garcia ang picture niya kasama ang dalawang anak sa kanyang bagong Instagram post
- Marami ang natuwa na makita silang mag-iina at marami ang nakapansin sa ganda nilang mag-iina
- Base sa mga pictures ay kuha ito sa isang kainan kung saan sila pumuntang tatlo
- May mga nagbanggit din na mukha lang silang magkakapatid lalo at naging mas blooming si Jennica sa kasalukuyan
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nag-post si Jennica Garcia ng picture nilang mag-iina sa kanyang Instagram account. Marami ang naaliw sa kanilang tatlo dahil mukha lang daw silang magkakapatid.

Source: Instagram
Simula nang magbalik sa pag-arte si Jennica ay muling bumalik din ang kanyang ganda kagaya noong siya ay dalaga pa.
Makikita sa picture na binahagi niya ang kanilang kulitang mag-iina sa kanilang pagkain sa isang kainan. Marami din ang nakapansin na lumalaking magaganda ang anak nila ni Alwyn Uytingco.
Narito ang ilan sa mga komento:
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Parang magkakapatid lang ah. Parang ate ka lang nila Mori at Alessi
Grabeee. Pakaganda mo po! Pati mga anak mo ampi- pretty manang mana sayo
Ang kyu-kyut niyo! I'm sending love to y'all!
Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya.
Sa isang Instagram post ay binahagi ni Jennica ang natanggap na mensahe mula sa kanyang amang si Jigo Garcia. Tinatanong nito ang tungkol sa picture na binahagi ni Jennica at kung bakit ganoon daw ang kanyang suot. Kapansin-pansin din na dalawang beses iyong pinadala at mayroong mga naka-caps lock sa natanggap niyang message. Kaya naman, minabuti umano ni Jennica na burahin na lamang ang kanyang picture kahit hindi pa naman siya sinabihang burahin.
Kasunod ng pag-viral ng kanyang post kung saan ibinahagi niya ang message ng kanyang Papa Jigo, marami sa mga netizens ang nag-udyok kay Jennica na ipakita ang mukha ng kanyang ama. Kaya naman, nagbahagi si Jennica ng "Papa reveal" na post sa kanyang social media account. Ibinahagi niya ang aniya'y isa sa pinakapaborito niyang picture ng kanyang Papa Jigo. Wala itong damit pang-itaas at nakakubli sa isang malaking bato kung saan makikita ang under the sea background.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh