Jennica Garcia: "Ngayon kayo makakakita ng magrerecord na hindi naman talaga singer"

Jennica Garcia: "Ngayon kayo makakakita ng magrerecord na hindi naman talaga singer"

- Binahagi ni Jennica Garcia ang nakakaaliw na TikTok video kung saan nag-record siya ng kanta

- Kinaaliwan ang aktres dahil bukod sa kanyang pagiging masayahin ay humble din ito

- Biro niya, ngayon daw ay makakikita ang kanyang mga viewers ng magrerecord na hindi naman talaga singer

- Kinaaliwan din ang pagpuna ni Christian Bables ng ganda ni Jennica

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan si Jennica Garcia sa kanyang TikTok video na umabot na sa 4.8 million views. Kuha ito sa kanyang pag-record ng kanta sa Academy of Rock.

Jennica Garcia, kinaaliwan sa kanyang TikTok video
Jennica Garcia, kinaaliwan sa kanyang TikTok video (@jennicauytingco)
Source: Instagram

Kinaaliwan ang mga hirit ni Jennica habang kausap ang naroroon sa studio. Sa huling bahagi ng video ay nakuhanan pa ang boses ni Christian Bables kung saan napamura ito dahil sa aniya'y ganda ni Jennica.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

Read also

Video ng pagkikita nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa isang event, viral

Jennica Garcia, you are so humble and respectful It makes you so loveable and charming

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Wow sana kumanta kna pra marinig nmin excited to hear your voice .. iloveyou both
Hahaha. napakaganda mo naman talaga. Ang cute Ng "ai Hindi Po sir" . hahaha

Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya.

Sa isang Instagram post ay binahagi ni Jennica ang natanggap na mensahe mula sa kanyang amang si Jigo Garcia. Tinatanong nito ang tungkol sa picture na binahagi ni Jennica at kung bakit ganoon daw ang kanyang suot. Kapansin-pansin din na dalawang beses iyong pinadala at mayroong mga naka-caps lock sa natanggap niyang message. Kaya naman, minabuti umano ni Jennica na burahin na lamang ang kanyang picture kahit hindi pa naman siya sinabihang burahin.

Read also

Darren Espanto, nagka-wardrobe malfunction: "I definitely won’t forget this show"

Kasunod ng pag-viral ng kanyang post kung saan ibinahagi niya ang message ng kanyang Papa Jigo, marami sa mga netizens ang nag-udyok kay Jennica na ipakita ang mukha ng kanyang ama. Kaya naman, nagbahagi si Jennica ng "Papa reveal" na post sa kanyang social media account. Ibinahagi niya ang aniya'y isa sa pinakapaborito niyang picture ng kanyang Papa Jigo. Wala itong damit pang-itaas at nakakubli sa isang malaking bato kung saan makikita ang under the sea background.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel