Maymay Entrata, binalikan ang karanasan na mabatukan ng KathNiel fan

Maymay Entrata, binalikan ang karanasan na mabatukan ng KathNiel fan

- Naalala ni Maymay Entrata kung paano siya bilng fan nina Kathryn Bernanrdo at Daniel Padilla kahit noong hindi pa siya artista

- Sa kanyang tweet ay binalikan niya ang panahong nakipagsiksikan siya masilayan lamang ang mga idolo

- Sa isang tweet ng Twitter user na may handle na @notchandria, binahagi nito ang throwback photo ng KathNiel sa isang event na dinumog ng kanilang mga tagahanga

- Ani Maymay, ito umano ang panahong nabatukan siya ng payong matapos niyang sumingit makita lang ang KathNiel

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Maymay Entrata ang kanyang karanasan bilang isang masugid na tagahanga nina Kathryn Bernanrdo at Daniel Padilla kahit noong hindi pa siya artista. Sa kanyang tweet ay binalikan niya ang panahong nakipagsiksikan siya masilayan lamang ang mga idolo.

Maymay Entrata, binalikan ang karanasan na mabatukan ng KathNiel fan
Maymay Entrata, binalikan ang karanasan na mabatukan ng KathNiel fan (@maymay)
Source: Instagram

Isang Twitter user na may handle na @notchandria ang nagbahagi ng throwback picture nina Kathryn at Daniel. Ani Maymay, naalala niyang ito yung panahong nabatukan siya ng payong matapos niyang sumingit makita lang ang KathNiel.

Read also

Andrew Schimmer, inalay ang Most Inspiring Actor award niya sa misis na si Jho

Kinalaunan ay nakasama pa niya ang mga idolo sa seryeng La Luna Sangre.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Maymay Entrata o si Marydale Entrata sa tunay na buhay ay isang actress, singer, television host, at model. Sumikat siya matapos siyang tanghaling big winner sa Pinoy Big Brother: Lucky 7. Naging talent siya ng Star Magic matapos siyang manalo sa PBB. Bumida siya sa romantic comedy film na Loving in Tandem (2017). Ilan pa sa mga pelikulang kinabilangan niya ay Da One That Ghost Away at Hello, Love, Goodbye. Naging bahagi din siya ng seryeng La Luna Sangre (2017) at Hiwaga ng Kambat (2019).

Lingid sa kaalaman ng marami malapit na magkaibigan pala sina Maymay at Mimiyuuuh. Una umano silang nagkita ni Mimiyuuuh sa Star Magic Ball at simula noon ay nakagaanan nila ng loob ang isa't-isa. Kagaya ni Maymay, madalas umano magsabi ng kanyang problema si Mimiyuuuh sa kaibigan. Kinaaliwan din ang version ng "skrrt" ni Maymay dahil sa kakaibang talento niya sa kanyang braso.

Read also

Nadine Lustre, bukas sa posibilidad na makatrabaho si James Reid

Sa mukbang sa nina Mimiyuuuh at Maymay ay hindi inatrasan ni Maymay ang ilan sa mga nakakaintrigang mga tanong para sa kanya. Kabilang sa natanong ay kung mayroon daw ba siyang hindi magandang karanasan sa isang artista. Hindi naman daw niya maituturing na bad iyon ngunit aniya ay tiningnan siya ng di na niya pinangalanang artista mula ulo hanggang paa at inirapan pa siya. Nangyari raw ito noong bago pa lamang sila nakalabas sa Pinoy Big Brother at pumunta siya sa ASAP para makita nang personal ang mga artista.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel