Kaye Abad at Paul Jake Castillo, tinapos nang maaga ang US trip para makasama ang mga anak
- Naibahagi nina Kaye Abad at Paul Jake Castillo na ginawa na lamang nilang sampung araw ang dapat sana ay tatlong linggong bakasyon sa Amerika
- Dahil may ticket na sila, tinuloy na lang din nila ang pagsama sa pamilya ni Paul Jake dahil hindi na nakasama si Joaquin sa kanila dahil sa pagkaka deny ng kanyang visa
- Ayon pa sa mag-asawa, hindi na sana sila tutuloy sa US trip nila dahil ikinalungkot nila na hindi makakasama ang anak
- Hindi naman mapigilan ni Kaye na maiyak habang binabahagi ang paliwanag kung bakit hindi makakasama ang panganay nilang anak
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ikinalungkot man ang pangyayari, naisip nilang mas mapapamahal sila kung ipapare-book ang ticket kaya minabuti na lamang nilang tumuloy ngunit hindi na lang sila mananatili doon ng kasintagal ng pamamalagi doon ng pamilya ni Paul Jake.

Source: Instagram
Pagbabahagi ng mag-asawa, inasahan nilang makakasama nila si Joaquin dahil anila ay treat sana iyon sa mga bata dahil nga sa matagal silang hindi nakabiyahe dahil sa pandemya. Hindi nila inasahang mahirap pala ang proseso at na deny ang visa ng anak nila.
Ikinalungkot man ang pangyayari, naisip nilang mas mapapamahal sila kung ipapare-book ang ticket kaya minabuti na lamang nilang tumuloy ngunit hindi na lang sila mananatili doon ng kasintagal ng pamamalagi doon ng pamilya ni Paul Jake.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Kaye Abad ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa bahagi ng "Ang TV". Nakilala din siya bilang katambal ni John Lloyd Cruz sa seryeng "Tabing Ilog" mula 1999 hanggang 2003.
Sa kanyang Instagram post, binahagi ni Kaye ang isa sa mga picture niya sa kanyang birthday pictorial. Marami ang humanga sa aktres dahil mukha itong hindi tumatanda kahit pa 40 taong gulang na ito. Bumaha ng komento ng pagbati at paghanga sa kagandahan ng aktres sa binahagi nitong picture na kinuhanan ng Nice Print Photography. Matatandaang una siyang nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa bahagi ng "Ang TV."
Nitong nakaraang Setyembre ay pinagdiwang ng mag-asawang Kaye at Paul Jake Castillo ang unang kaarawan ng bunsong anak nilang si Iñigo. September 2, 2022 pinagdiwang ang unang kaarawan ng bunso nila.Binahagi ng Nice Print Photography ang magagandang pictures na kuha sa kanilang party.
Source: KAMI.com.gh