Maine Mendoza, hindi pinalampas ang Pinay sa SG na nagsabing suplada siya

Maine Mendoza, hindi pinalampas ang Pinay sa SG na nagsabing suplada siya

- Sinagot ni Maine Mendoza ang tungkol sa post ng isang netizen kung saan sinabi nitong suplada daw pala siya sa personal

- Nakapost sa TikTok ang picture na ito kasama si Maine nang makita niya ang aktres sa Singapore

- Ayon naman kay Maine, disrespectful and entitled daw ang mga babaeng ito at aniya ay bastos

- Dagdag pa niya, iyon ang pinakapangit na interaction niya sa kababayan niya abroad

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi pinalampas ni Maine Mendoza ang post ng isang netizen kung saan sinabi nitong suplada daw pala siya sa personal. Ayon naman kay Maine, disrespectful and entitled daw ang mga babaeng ito at aniya ay bastos.

Maine Mendoza, hindi pinalampas ang Pinay sa SG na nagsabing suplada siya
Maine Mendoza, hindi pinalampas ang Pinay sa SG na nagsabing suplada siya (@mainedcm)
Source: Instagram

Dagdag pa nya, iyon ang pinakapangit na interaction niya sa kababayan niya abroad

Oh if you only know how disrespectful and entitled those ladies were, especially the sales associate, ay maloloka ka nalang talaga. By far the worst experience/interaction with kababayans abroad. Bastos.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ani Maine, sana ay tinarayan niya na lang talaga ang naturang babae dahil sa pinakita nitong ugali.

If I came off as “supladita” (as ate sales associate in Bath and Body Works Ngee Ann Mall have said to every Filipino inside the store, even to my friend) e dasurv nga naman, sana tinarayan ko na nga talaga. Bastos si SA and that group of girls. Bastos at makakapal ang mukha.

Si Arjo Atayde ay aktor na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang teleserye kagaya ng Hanggang Kailan, The General’s Daughter, at sa iWant original series na Bagman kung saan nakasungkit siya ng maraming acting awards. Anak siya ng beteranang aktres na si Sylvia Sanches at kapatid ni Ria Atayde.

Sa isang panayam ng broadcaster na si Julius Babao sa aktor na si Arjo naitanong sa kanya kung napag-uusapan na nila ni Maine ang tungkol sa pagpapakasal. Inamin ni Arjo na napag-uusapan na nilang magkasintahan ang tungkol sa bagay na ito lalo at nasa tamang gulang naman na sila at masaya sila sa isa't-isa. Ayon pa kay Arjo, umaasa siyang sila na ang magkakatuluyan ng TV host-actress at aniya ay sana hanggang sa kanilang pagtanda. Muli niya ding nabanggit kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.

Nauna nang naibalita ng KAMI na engaged na si Maine sa kanyang boyfriend na si Arjo. Sa kanyang Instagram post ay binahagi ni Maine ang ilang pictures nila ni Arjo. Kapansin-pansin din ang kanyang suot na singsing na makikita sa apat na litratong kanyang binahagi. Bumuhos naman ang pagbati sa dalawa hindi lang mula sa kanilang fans kundi maging mula sa kasamahan nila sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel