Aljur Abrenica at AJ Raval, sweet na sweet sa isang viral video

Aljur Abrenica at AJ Raval, sweet na sweet sa isang viral video

- Viral ang video nina Aljur Abrenica at AJ Raval na sweet na sweet habang nagsasayaw

- Base sa naturang video ay mukhang hindi pa nakakauwi sa Pilipinas ang real-life sweethearts na napabalitang nagpunta sa Canada kamakailan

- Nitong mga nakaraang araw ay napapadalas ang video at pictures na naibabahagi ng magkasintahan

- Bukod sa kanilang relasyon na mas bukas na sa publiko, nagkatambal na rin sila sa bagong pelikula

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sweet na sweet sina Aljur Abrenica at AJ Raval sa isang viral video kung saan makikitang masayang nagsasayaw ang dalawa. Mas bukas na sa publiko ang real-life sweethearts kaugnay sa kanilang pagmamahalan.

Aljur Abrenica at AJ Raval, sweet na sweet sa isang viral video
Aljur Abrenica at AJ Raval, sweet na sweet sa isang viral video (@ajabrenica)
Source: Instagram

Matatandaang nitong mga nakaraang araw ay naibahagi ng dalawa ang kanilang mga videos at pictures na magkasama habang nasa bakasyon sa Canada.

Read also

Luis Manzano, sumalang sa lie detector test sa vlog ni Bea Alonzo

Samantala, ang kanilang bagong pelikula kung saan nagkatambal sila ay nakatakda na ring ipalabas. Ang Vivamax film nilang Sugapa ay nakatakdang mag-World Premiere ngayong August 25. Ilan sa makakasama nila sa naturang pelikula ay sina Dyessa Garcia, Art Acuña, Lander Vera Perez at Lou Veloso.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Aljur Abrenica ay isang Pinoy na aktor na unang nakilala matapos siyang sumali sa fourth season ng reality talent search ng GMA-7 na StarStruck. Naipareha siya sa kanyang kasabayan sa Starstruck na si Kris Bernal. Ikinasal siya kay Kylie Padilla at nabiyayaan sila ng dalawang anak na lalaki, sina Alas Joaquin at Axl.

Sa pagdiriwang ng kaarawan ng panganay na anak nina Kylie at Aljur na si Alas Joaquin, isang nakakaantig na birthday message ang binahagi ni Aljur sa kanyang social media page. Aniya, marami siyang natutunan kaugnay sa pagiging ama dahil sa kanyang panganay na anak. Kalakip nito ay nagpost din si Aljur ng picture nilang mag-ama pati mga video clips na nagpapakita ng kanilang masasayang bonding moments.

Kamakailan ay nag-upload din si Aljur ng pictures nilang mag-aama na kuha sa kanilang beach vacation kasama ang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo. Makikita sa mga litrato ang saya sa mukha ng mga anak nila habang naglalaro kasama ang ama. Kalakip ng kanyang mga pictures na binahagi ay ang caption na “Seas the day with these two."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel