Maxene Magalona sa nagsabing "nagpa-renovate" siya ng ilong: "One of my favorite comments"

Maxene Magalona sa nagsabing "nagpa-renovate" siya ng ilong: "One of my favorite comments"

- Ibinida ni Maxene Magalona ang isang komento sa kanyang post kung saan sinabi ng isang netizen na 'nagpa-renovate' daw pala siya ng ilong

- Tila, natawa naman si Maxene sa komentong ito at sinabi niya na isa ito sa kanyang pinakapaboritong komento

- Sa kabila ng mga lumabas na mga isyu na kinasasangkutan ng kanyang mga magulang, hindi na naglabas ng pahayag ang kampo nila Maxene

- Gayunpaman, marami sa mga post ni Maxene ang nagbabahagi ng mensahe na kadalasang naiuugnay ng netizens sa isyu lalo na nitong mga nakaraang mga araw

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Maxene Magalona sa kanyang Instagram stories ang ilang komento sa kanyang binahaging video. Binilugan niya ang isa sa mga ito at ito raw ang isa sa kanyang pinakapaboritong komento.

Read also

Julia Montes, naikwentong deaf-mute ang parehong magulang: "growing up, hirap akong mag-express"

Maxene Magalona sa nagsabing nagpa-renovate siya ng ilong: "One of my favorite comments"
Maxene Magalona sa nagsabing nagpa-renovate siya ng ilong: "One of my favorite comments" (@maxenemagalona)
Source: Instagram

Sa kanyang post ay maraming positibong komento ang makikita. Gayunpaman, namumukod-tangi ang isang komento na nagsabing "nagpa-renovate" daw pala ng ilong si Maxene at ngayon lang daw niya ito napansin.

Nitong mga nakaraang araw ay naging usap-usapan hindi lang si Maxene kundi ang kanilang buong pamilya sa paglantad ng nagpakilalang karelasyon daw ng kanyang yumaong ama at ang umano'y anak nila.

Hindi na naglabas ng pahayag ang kampo nila Maxene pero marami sa mga post ni Maxene ang nagbabahagi ng mensahe na kadalasang naiuugnay ng netizens sa isyu lalo na nitong mga nakaraang mga araw.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maxene Magalona sa nagsabing nagpa-renovate siya ng ilong: "One of my favorite comments"
Maxene Magalona sa nagsabing nagpa-renovate siya ng ilong: "One of my favorite comments" (@maxenemagalona)
Source: Instagram

Si Maxene Magalona ay isang aktres sa Pilipinas na anak ng sikat na rapper na si Francis Magalona. Kapatid niya ang aktor na si Elmo Magalona at ang social media personality na si Saab Magalona. Mayo ng taong 2020 nang isapubliko niya ang tungkol sa kanyang mental illness.

Read also

Rica Peralejo sa viral church lipat video: "I was really bothered when I saw the video"

Naibahagi kamakailan ni Maxene kung ano ang kanyang pagkakaparehas at pagkakaiba sa kanyang sarili noon at sa kasalukuyan. Aniya, naniniwala siyang hindi tama na itatwa niya ang nakaraan niya dahil makakapigil umano ito sa pagpapabuti niya sa sarili. Aniya, ang pagtanggap sa kanyang nakaraan ay susi sa pagpapalaya ng mga negatibong enerhiya. Paraan din umano ito upang maisaayos ang anumang hindi magandang ugali.

Sa gitna ng pagkakadawit ng pangalan niya sa isyu ng umano'y problema ng mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce, isang makahulugang post ang binahagi niya. Ito ay mula sa Instagram page na @the_higher_self_'s page. Tungkol ito sa hindi na kailangan pang ipaliwanag ang sarili sa ibang tao. Sa naturang quote ay nakasaad na kung hindi naman naiintindihan ng ibang tao ay ayos lamang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel