Angel Locsin, nagpaabot ng kanyang pagbati ngayong kapaskuhan

Angel Locsin, nagpaabot ng kanyang pagbati ngayong kapaskuhan

- Nagpaabot ng kanyang pagbati si Angel Locsin sa pamamagitan ng isang Facebook post

- Ibinahagi niya ang picture nilang mag-asawa na kuha sa kanilang tahanan sa tabi ng kanilang Christmas tree

- Matatandaang naging palaisipan sa publiko ang matagal na pananahimik ni Angel sa social media

- Matapos ang paglabas ng mga espikulasyon ay pinabulaan ng asawa niyang si Neil Arce na sila ay hiwalay na

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Angel Locsin ang kanyang pagbati para ngayong panahon ng Kapaskuhan. Kalakip ng kanyang pagbati ay ang picture nila ng kanyang asawang si Neil Arce.

Angel Locsin, nagpaabot ng kanyang pagbati ngayong kapaskuhan
Angel Locsin, nagpaabot ng kanyang pagbati ngayong kapaskuhan (@therealangellocsin)
Source: Instagram

Ibinahagi niya ang picture nilang mag-asawa na kuha sa kanilang tahanan sa tabi ng kanilang Christmas tree.

Matagal na hindi nag-post si Angel sa social media na naging dahilan ng paglabas ng mga espikulasyon. Inalmahan naman ni Neil ang pang-iintriga sa pagsasama nilang mag-asawa sa pamamagitan ng isang text na pinadala niya sa showbiz reporter na si Ogie Diaz.

Read also

Andrew Schimmer: "I’m sorry…but I hate Christmas, and I don’t think I will ever like it again"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.” Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ang film producer na si Neil Arce.

Matatandaang sa kanyang post kung saan ibinahagi niyang litrato nila ni Kris Aquino, isang netizen ang nagkomento sa post ni Angel. Inalmahan ni Angel ang komento nito na "Mabuhay ang NPA" at sinita ng aktres ang kanyang pang-re-redtag. Maging si Neil Arce ay umalma din at pabirong sinabi na siguro umano ay naniniwala din ito sa Tallano gold. Matatandaang dati nang naging biktima ng red-tagging ang kapatid ni Angel na kanyang inalmahan hanggang sa magkausap sila ng military official na si Parlade.

Sa kanyang pinakahuling vlog, kasama nina Angel at Neil ang ina ni Neil sa kanilang bakasyon sa Spain. Binahagi ng mag-asawa ang kanilang masayang pamamasyal sa Madrid. Nakipagkulitan din ang biyenan ni Angel sa kanila na siya pang kumukuha ng video at pictures sa mag-asawa. Marami naman ang natuwa sa pagiging malapit ng mag-asawa sa ina ni Neil dahil kasama pa nila ito sa kanilang bakasyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel