Donita Nose at Super Tekla, nag-pictorial para sa pagbabalik ng DonEkla in Tandem

Donita Nose at Super Tekla, nag-pictorial para sa pagbabalik ng DonEkla in Tandem

- Binahagi nina Donita Nose at Super Tekla sa kanilang bagong video ang kaganapan sa kanilang photo shoot

- Sa kanilang pagbabalik bilang magka-tandem sa YouTube, nag-pictorial ang dalawa para sa kanilang bagong intro

- Sa tulong ng kanilang mga stylists at makeup artist, naging maganda ang kinalabasan ng kanilang mga pictures

- Marami naman sa kanilang mga fans ang tuwang-tuwa sa pagbabalik ng nakakaaliw ng duo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-pictorial sina Donita Nose at Super Tekla para sa kanilang bagong intro sa kanilang mga vlogs ngayong magbabalik na sila bilang magka-tandem. Sa tulong ng kanilang mga stylists at makeup artist, naging maganda ang kinalabasan ng kanilang mga pictures.

Donita Nose at Super Tekla, nag-picyorial para sa pagbabalik ng DonEkla in Tandem
Donita Nose at Super Tekla, nag-picyorial para sa pagbabalik ng DonEkla in Tandem (@doneklaintandem)
Source: Instagram

Wala pa silang naibahagi kaugnay sa mga susunod nilang videos ngunit anila ay mas kaabang-abang ang mga content na gagawin nila.

Habang inaayusan ang dalawa ay hindi pa rin nawawala ang kanilang natural na hirit sa pagpapatawa kaya maging ang mga taong nakakasama nila ay tawa na lang din nang tawa.

Marami naman sa kanilang mga fans ang tuwang-tuwa sa pagbabalik ng nakakaaliw ng duo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Donita Nose ay nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng TV Show ni Willie Revillame. Kinalaunan ay sumikat ang tambalan nila ni Super Tekla at nakilala sa bansag na DonEkla. Binansagan siyang Pambansang Beshy matapos ang pinakita niyang suporta kay Super Tekla nang minsang madawit ito sa matinding kontrobersiya kaugnay sa reklamo ng dati nitong kinakasama.

Matatandaang tuluyang nakapaglipat ng bahay si Donita Nose matapos ang pagsasapubliko nila ni Super Tekla na maghihiwalay na sila sa paggawa ng vlog at maging ng bahay. Naikwento ni Donita na tapos na ang kontrata ng naunang bahay na tinitirhan nilang magkasama. Noong una umano ay parehas nilang napagpasyahan na maghanap ng bahay kung saan magsasama pa rin uli sila. Gayunpaman, hindi na umano pumirma si Super Tekla pagdating ng kontrata para sana sa bahay na kanilang lilipatan.

Aminado ang isa pang ka-tandem ni Super Tekla na si Boobay na naawa umano siya kay Tekla. Sa katunayan ay pinayuhan umano niya ito na ipagtanggol naman ang sarili niya kay Donita Nose. Dagdag pa ni Boobay, sana ay huwag lang puro katamaran ang pansinin kay Tekla at sana ay bigyan din ng importansiya ang ambag nito sa kanilang samahan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel