K Brosas, binahagi ang virtual tour sa ikalawang palapag ng bagong bahay niya

K Brosas, binahagi ang virtual tour sa ikalawang palapag ng bagong bahay niya

- Pinakita ni K Brosas sa kanyang ikalawang bahagi ng house tour ang ikalawang bahagi ng kanyang bagong bahay

- Kabilang sa kanyang naibahagi ay ang kanyang kwarto at ang veranda na nasa tabi ng silid niya

- Kabilang sa mga bagay na kanyang pinakita sa loob ng kanyang silid ay ang kulambo na nakalagay sa paanan ng kanyang kama

- Siya din umano ang tipo ng tao na mahilig sa unan kaya maraming unan ang nakalagay sa kanyang kama

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasilip ni K Brosas ang ikalawang palapag ng kanyang bahay kung saan makikita ang kanyang kwarto. Hindi naman umano niya pinakita muna ang kanyang walk-in closet dahil aniya ay marami siyang kwento doon kaya sa susunod na vlog na lang daw niya ibabahagi.

K Brosas, binahagi ang virtual tour sa ikalawang palapag ng bagong bahay niya
K Brosas, binahagi ang virtual tour sa ikalawang palapag ng bagong bahay niya (@kbrosas)
Source: Instagram

Sa kanyang silid ay pinakita niya ang isang bagay na aniya ay mahalaga sa kanya kapag natutulog. Ito ay ang kulambo na nakalagay sa paanan ng kanyang higaan. Pinasadya niya umano ito na parang unan.

Read also

Zeinab Harake sa buhay bago siya naging milyonarya; "Diyos ko po! kung alam niyo lang"

Marami ding unan ang nakalagay sa kanyang kama dahil isa umano ito sa kanyang hilig. Makikita din sa kanyang silid ang isang malaking telebisyon, refrigerator at coffee corner.

Sunod umanong ipapakita niya ang ikatlong palapag kung saan mayroon pang mga silid at party place.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nakilala si K sa husay niya sa pagpapatawa at galing sa pagkanta. Sa katunayan, nakapag concert na rin siya na talaga namang sinuportahan ng kanyang mga tagahanga.

Naging kabilang si K sa mga hurado sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime bago siya lumipat sa TV5.

Matatandaang nitong buwan ng Agosto ay naibahagi ni K ang picture ng kanyang bahay na noon ay patapos pa lamang. Sa kanyang Twitter post ay naibahagi niya ang picture ng kanyang three-storey minimalist home. Masayang-masaya si K sa biyayang kanyang natanggap na kanyang pinagpasalamat sa Panginoon. Nauna niya nang nabanggit na September sila lilipat sa bagong bahay nila.

Read also

Sharon Cuneta, binahagi isang virtual tour sa kanilang farmhouse

Sa sumunod na post niya ay naibahagi niyang nakalipat na nga sila sa kanilang bagong bahay. Sa kanyang social media post ay napasilip niya ang itsura ng kanilang bagong bahay. Nagbahagi din siya ng picture niya habang nakatayo sa balkonahe ng kanyang three-storey house. Ibinahagi din ni K ang kanyang pasasalamat sa architect at contractor na bumuo ng kanyang bahay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel