MG, nagpasalamat kina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino
- Sa post ng content creator na si Mark Jayson Warnakulahew o mas kilala sa tawag na Makagago ay pinasalamatan niya sina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino
- Aniya, kung hindi nagkaroon ng isyu ang dalawa ay wala siyang pang-good time
- Naibahagi niya ang picture nila kasama ang kanyang partner habang nasa isang mamahaling restaurant
- Dagdag pa niya, nasa trending number 6 at isang number 8 ang mga content na ginawa niya kaugnay sa naging isyu nina Zeinab at Wilbert
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Binahagi ng content creator na si Mark Jayson Warnakulahew o mas kilala sa tawag na Makagago ang picture nila ng partner niya habang nasa isang mamahaling restaurant. pinasalamatan niya sina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino dahil kung hindi umano nagkaroon ng isyu ang dalawa ay wala siyang pang-good time.
Sinabihan niya din ang kanyang kapwa content creator na magpasalamat sa mga influencers kapag nagkakaroon ng issue dahil dito ay nagkakaroon sila ng dagdag views.
Naibahagi niyang nasa trending number 6 at isang number 8 ang mga content na ginawa niya kaugnay sa naging isyu nina Zeinab at Wilbert.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Salamat kay ZEINAB AT KAY WILBERT (SANA MAGKA AYOS PA KAYO) Kung wala kayo wala akong pang good time. Sa ibang mga influencers dyan, pag nagkakaroon ng issue ang mga kapwa nyo vloggers magpasalamat kayo ha! Kundi wala kayong views hahaha
Si Mark Jayson Warnakulahew o mas kilala sa tawag na Makagago ay isang content creator na unang sumikat sa kanyang mga diss videos. Sa kasalukuyan ay mayroon na siyang mahigit 2.7 million subscribers sa kanyang YouTube channel na Makagago Wazzup Man.
Kamakailan lang nang ilabas niya ang isang video kung saan inalmahan niya ang umano'y pagkukunsinti ng kaibigan ni Skusta Clee sa ginawa nitong pag-iwan sa kanyang mag-ina. Hindi nito pinalampas ang nilabas na TikTok video ni Angelica Yap kung saan sinasabi niyang hindi siya kinakabahan.
Matatandaang naging usap-usapan ang pahayag ni MG na may ilalabas din siyang video sa kanyang YouTube channel. Kasunod ito ng video ni Angelica Jane Yap kung saan nabanggit niya ang pangalan ni MG na aniya ay "nakikisawsaw." Sa naturang video ay pabiro ding sinabi ni Angelica na kunin na lang daw kaya nilang ninong si MG. Sa kanyang post ay diretsahang sinabi ni MG na "Big Pass" umano siya sa alok na kuhanin siyang ninong.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh